Tindahan nawasak sa pagguho ng lupa sa Taguig; 1 sugatan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tindahan nawasak sa pagguho ng lupa sa Taguig; 1 sugatan

Tindahan nawasak sa pagguho ng lupa sa Taguig; 1 sugatan

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Sugatan ang isang babae matapos gumuho ang lupa malapit sa isang tindahan sa Taguig City nitong Martes ng hapon.

Nasa loob ng tindahan sa Brgy. Central Signal ang siyam na tao, kabilang ang may-ari ng tindahan, mga kamag-anak at mga tindera, pero nakalabas sila matapos makarinig ng mga kalabog pasado ala-1 ng hapon.

Natabunan ang mini-grocery store ng mga tipak ng bato mula sa itaas ng tindahan.

Kuwento ng may-ari ng tindahan na si Quinne Morillo, gumuho ang lupa nang makalayo na sila.

ADVERTISEMENT

“May narinig kami na kalabog, kalabog. Dalawang kalabog. Noong huling kalabog na, ‘yong mga malalaki na lupa, 'buti na lang lahat kami nakatakbo na,” sabi niya.

Ayon sa Taguig City police, nasugatan ang 17-anyos na katiwala ng tindahan.

Nadaplisan siya sa pagtama ng bato. Dinala siya sa ospital para magamot.

Sinakop ng gumuhong lupa ang kalahati ng Cuasay Road na katapat ng tindahan, kaya naapektuhan ang daloy ng trapiko sa lugar.

Naisalba naman ng nagtitinda ang pera mula sa tindahan, at ang mga hindi natabunang paninda gaya ng bigas at itlog.

ADVERTISEMENT

Ani Morillo, umulan noong tanghali at tumila bago ang pagguho.

“Alam naman kasi namin na ‘yong lupa, bumabagsak ‘yan. Noong tinayo namin ‘yan, ang mga lupa bumabagsak na talaga. Kanina, sunod-sunod ang ulan, siguro malambot na ang lupa, talagang bumigay na siya,” sabi ni Morillo.

Ayon sa barangay, ilang araw na ring umuulan sa Taguig kaya posibleng lumambot ang lupa sa may ibabaw ng tindahan.

“Pansamantala muna sinasasara namin ang area para wala munang makapasok. Kasi delikado pa ang taas, baka bumagsak. Kaya kinordon namin ang area,” sabi ni barangay security force team leader Eddie Arguilles.

Tatlong taon na ang tindahan at may permit naman ito, ayon sa may-ari.

ADVERTISEMENT

Inalis na rin ang mga bato at lupang humarang sa kalsada at dinala sa tambakan.

Binabantayan ng city rescue at engineering office ang posible pang pagguho kaya nilagyan ng kordon ang paligid ng tindahan.

Sisiyasatin din ang kaligtasan ng mga bahay at establishimento na nakapuwesto sa gilid at ibabaw ng lupang gumuho.

- Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.