Pamimigay ng educational assistance sa Borongan City, inabot ng madaling araw | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pamimigay ng educational assistance sa Borongan City, inabot ng madaling araw

ABS-CBN News
Published Aug 28, 2022 02:11 PM PHT
|
Updated Aug 28, 2022 11:45 PM PHT

Inabot hanggang madaling araw ngayong Linggo ang pamimigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng education cash assistance sa Borongan City, Eastern Samar.

Base sa mga larawan na ibinahagi ni Julius Gilbert Mallen bandang alas-2:30 ng madaling araw, makikita na marami pa rin ang tao sa covered court ng Barangay Taboc para kumuha ng ayuda para sa mga estudyante.

Una nang nilinaw ng DSWD na ang may mga priority number lamang ang makatatanggap ng ayuda at walang walk-in.

Target ng DSWD mabigyan ang lahat ng may priority number at mga returnee na mayroon ring priority number.
Target ng DSWD mabigyan ang lahat ng may priority number at mga returnee na mayroon ring priority number.
ADVERTISEMENT
Kahit marami ang tao sa covered court, maayos ang pila ng mga gustong makatanggap ng ayuda at may mga pulis na nakabantay para sa seguridad ng lugar.

Halos mag-alas-3 na ng madaling araw nang matapos ang pamimigay ng ayuda.

Sa inisyal na bilang, higit 700 benepisyaryo ang nakatanggap ng educational assistance.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
DSWD
cash assistance
education assistance
Borongan
Eastern Samar
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT