33 bala ng baril nahuli sa isang babae sa NAIA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

33 bala ng baril nahuli sa isang babae sa NAIA

33 bala ng baril nahuli sa isang babae sa NAIA

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

Kumpiskado ang 33 bala ng baril sa isang babaeng pasahero sa terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Sabado ng hapon.

Papuntang Taiwan si Jean Lolita Abad Manipud-Robles nang ma-detect sa Gate 2 departure entrance na may mga bala sa kanyang balikbayan box.

Kabilang sa mga nakumpiska ang anim na bala ng kalibre-.38 na nakatago sa isang berdeng bote at 27 bala ng kalibre-.45 na nasa kahon ng posporo.

Pinayagan naman ang pasahero na makahabol sa kanyang flight, pero dumaan muna siya sa dokumentasyon.

ADVERTISEMENT

Paliwanang ng babae, aksidente niyang nabili ang mga bala na dadalhin niya dapat sa biyahe pa-Taiwan.

Walang kasong isinampa sa babae dahil sa bagong panuntunan ng NAIA na hindi na kakasuhan ang mga mahuhulihan ng bala ng baril kung hindi mapapatunayan na may masama silang intensyon sa pagdadala nito.

Isa lang ang babae sa anim na pasaherong nahulihan ng bala ng baril nitong Sabado.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like youā€™re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.