Lalaki arestado matapos mahulian ng baril at bala sa NAIA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki arestado matapos mahulian ng baril at bala sa NAIA

Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Aug 26, 2017 07:18 PM PHT

52-anyos na pasahero, nahulian ng baril, mga bala at magazine sa NAIA (📷MIAA) pic.twitter.com/Dz4p2MIXqW
— Michael Joe Delizo (@michael_delizo) August 26, 2017

Arestado ang isang lalaki matapos mahulian ng baril, mga bala at magasin sa Ninoy Aquino International Airport nitong Sabado.

Na-detect sa Gate 6 departure entrance ang kalibre-.45 na baril, 16 na bala at dalawang magasin ng bala na nasa loob ng sling bag ng pasaherong si Silvestre Roque, 52, na papuntang Caticlan.

Aminado si Roque na sa kanya ang mga gamit na nakalimutan niya umano alisin sa kanyang bag bago pumasok sa airport.

Dinala sa Philippine National Police-Aviation Security Group ang pasahero para imbestigahan.
Dinala sa Philippine National Police-Aviation Security Group ang pasahero para imbestigahan.
ADVERTISEMENT
Posible siyang maharap sa kasong kriminal dahil paso na ang lisensiya ng baril at walang permit to carry.

Ngayong araw, may anim na iba pa ang nakuhaan ng bala sa airport, kabilang ang isang babaeng papuntang Taiwan na may 33 bala sa balikbayan box.

Bukod kay Roque, hindi na kinasuhan ang iba pa at pinayagan ding bumiyahe matapos dumaan sa dokumentasyon.

Paalala ng mga awtoridad, bawal ang bala at armas sa airport kaya iwasan ang pagdadala para hindi maabala.