Chinese na nakatakas sa POGO raid sa Pasay tinutugis pa rin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Chinese na nakatakas sa POGO raid sa Pasay tinutugis pa rin

Chinese na nakatakas sa POGO raid sa Pasay tinutugis pa rin

Jeff Caparas,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Bumuo na ng tracker team ang National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) para hanapin ang nakatakas na Chinese sa POGO raid sa Pasay City.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano, ang nawawalang dayuhan ay isa sa kinasuhan ng cybercrime violation at paglabag sa Securities Regulation Code.

Nasa BI umano ang legal custody ng Chinese na iniimbestigahan kung paano nawala.

"Hindi kami papayag na may makakawala, itong mga Chinese nationals na ito ay mga manloloko, mga scammers lang po, mga nare-receive po natin na mga text messages na nagsasabing puwede silang mag-loan, may trabaho silang ino-offer hindi po yun totoo," sabi ni Clavano.

ADVERTISEMENT

"Ito 'yun, ito 'yung mga Chinese nationals at iba pang mga tao na nagpapaikot ng mga ganitong information."

Hindi umano titigil ang DOJ na hangga't hindi mahanap ang nawawalang dayuhan.

Dagdag ng DOJ, isa lang ang naiulat na nawawala.

"Inutos po ni secretary na i-investigate, paano siya nakaalis, although on the top of my head po, hindi po kasi namin facility ang building. Facility po ng scamming operation so hindi po namin talagang gamay lahat ng exit at entry points. Marami pong bintana, marami pong emergency exit doors," dagdag ni Clavano.

Iniimbestigahan na kung sadyang pinatakas ang Chinese. Aalamin kung sino ang nagbantay sa kuwarto nito, lalo na’t mga tauhan mula sa iba’t ibang ahensya ang nagbabantay sa POGO site, kabilang na ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine National Police (PNP), NBI at Fugitive Search Unit (FSU) ng BI.

"Kung may mahanap po na irregularity doon sa pagbabantay po nila siyempre po gagawin po namin lahat para ma-discipline din yung mga nagbabantay doon," sabi ni Clavano.

"Pero as of right now masyadong maaga hindi natin masasabi kung talagang pinalaya o pinabayaan. Wala po namang evidence of negligence, tingnan po natin sa investigation po."

Watch more News on iWantTFC

Read More:

POGO

|

Pasay

|

Chinese

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.