Brgy chairman, babae patay sa pamamaril sa Leyte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Brgy chairman, babae patay sa pamamaril sa Leyte

Brgy chairman, babae patay sa pamamaril sa Leyte

ABS-CBN News

Clipboard

Isang barangay captain ang nasawi sa pananambang sa bayan ng Javier, Leyte. Kuha ni Rose Huntski
Isang barangay captain ang nasawi sa pananambang sa bayan ng Javier, Leyte. Kuha ni Rose Huntski

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya matapos ang pamamaslang ng isang punong barangay sa bayan ng Javier, Leyte nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa impormasyon mula sa PNP Eastern Visayas, pauwi galing karatig bayan ang biktima na si Joel Riños nang abangan siya ng hindi pa kilalang gunman.

Pinagbabaril hanggang sa masawi ang kapitan ng Brgy. Inayupan.

Inabangan umano ng salarin ang biktima sa Barangay Caranhug, Javier.

ADVERTISEMENT

Walang kilalang kaaway ang kapitan na pwedeng mayroong motibo sa pamamaslang, ayon sa pamilya ng yumao.

Hawak na umano ngayon ng mga awtoridad ang isang CCTV footage kung saan nakita ang salarin at isang kasamahan nito na nagsilbing driver ng motorsiklong ginamit sa krimen.

Patay din ang isang matandang babae matapos siya pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Barangay Palale, sa bayan ng Mac Arthur, Leyte nitong Martes.

Ayon sa ilang residente na nakakita sa pamamaril, nakatayo sa gilid ng kalsada ang biktima dahil nagpapalinis ito ng kaniyang lupa nang barilin siya ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at nagsasagawa na rin ng follow up operation ang mga awtoridad para mahuli ang mga salarin.—Ulat ni Ranulfo Docdocan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.