PatrolPH

13 pamilya sa Mountain Province lumikas dahil sa landslide

ABS-CBN News

Posted at Aug 20 2022 12:41 PM

Higit 10 pamilya ang lumikas dahil sa landslide sa Mountain Province. Larawan mula sa Mountain Province DRRMO
Higit 10 pamilya ang lumikas dahil sa landslide sa Mountain Province. Larawan mula sa Mountain Province DRRMO


Lumikas ang nasa 13 pamilya dahil sa landslide sa isang barangay sa bayan ng Barlig, Mountain Province nitong Biyernes ng gabi.

Bandang alas-10 ng gabi nang gumuho ang bahagi ng bundok sa Brgy. Fiangtin, ayon sa Barlig Disaster Risk Reduction and Management Office.

Lumambot umano ang lupa doon dahil sa naranasang mga pag-ulan sa mga nakalipas na araw. 

Natabunan ng gumuhong lupa ang bahagi ng kalsada at napinsala ang shed nito. 

"Buti na lang may barangay road na nag-stockpile-an ng lupa tapos nag-overflow pumunta dun sa baba," sabi ni Solomon Lamaton, administrative aide ng MDRRMO. 

Walang natabunan na bahay o nasaktan na residente sa insidente. 

Pero inilikas ang mga residente sa paanan ng bundok para makaiwas sila sa sakuna. 

Ngayong Sabado, nagsasagawa na ng clearing operation ang lokal na pamahalaan. 

Nagpupulong na rin ang municipal disaster risk reduction and management council para sa mga susunod na hakbang kaugnay ng insidente.

Ipinag-utos din ni Gov. Bonifacio Lacwasan Jr. ang pagtulong sa mga apektadong residente. – Ulat ni Harris Julio

IBA PANG ULAT 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.