COVID-19 ward ng Batangas Medical Center napupuno na rin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COVID-19 ward ng Batangas Medical Center napupuno na rin

COVID-19 ward ng Batangas Medical Center napupuno na rin

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 18, 2021 07:14 PM PHT

Clipboard

Batangas Medical Center
Napupuno na rin ng pasyente ang COVID-19 ward ng Batangas Medical Center. ABS-CBN News.

MAYNILA— Napupuno na rin ang COVID-19 ward ng Batangas Medical Center sa harap ng pagdami ng mga pasyenteng isinusugod sa ospital, katulad ng sa ilang lugar sa bansa.

Ayon sa pamunuan ng ospital, nitong nakaraang linggo ay napansin nilang mabilis na ang pagdami ng mga pasyenteng isinusugod sa ospital lalo na ang mga may COVID-19 hindi lang sa probinsiya kundi maging sa kalapit na lalawigan.

Kasama sa dumating sa ospital ang isang ambulansiyang may sakay na mag-asawang pasyenteng mula San Pedro, Laguna.

Pero hindi agad ito maipasok sa ospital dahil walang bakanteng kuwarto.

ADVERTISEMENT

Kuwento ng drayber ng ambulansiya na si Dale Buising, naikot na nila ang mga ospital sa Laguna at Metro Manila pero wala nang tumanggap dahil punuan na kaya napadpad sila sa Batangas.

"Ayaw na nilang magtanggap eh gusto dalhin sa malaking ospital tulad nitong Batangas pero pagdating dito sa Batangas, kailangan daw itawag tapos mag-iisip ka saan mo na naman dadalhin. Hindi na namin alam kung saan dadalhin," ani Buising

Plano ni Buising na ilipat sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang dalang mga pasyente pero kung hindi ito tatanggapin ay ibabalik na lamang niya ang mag-asawa sa kanilang bahay.

Maya't maya rin ang pagdating sa ospital ng mga ambulansiyang may dalang mga pasyenteng may hinihinalang COVID-19.

Ayon sa pamunuan ng ospital, nasa 90 porsiyento na ang kanilang occupancy rate sa COVID-19 wards kaya mahalagang may koordinasyon muna bago magdala ng mga pasyente para makapaghanda sila.

"Sa protocol namin kapag positive mabilis siya makakapasok kapag na-coordinate sa amin, the concern sometimes ay 'yung mga walk-ins, 'yung bigla na lang pupunta na hindi namin alam lalo na kung punuan," ayon kay Batangas Medical Center chief Dr. Ramoncito Magnaye.

Watch more in iWantv or TFC.tv

May 68 COVID-19 patients na raw sa ospital habang 120 naman ang COVID-19 suspects.

Puno na rin ang modular isolation facillity kaya wala na ring bakante at punuan na rin ang mga tent.

Sa dami ng mga pasyente, naglatag na lamang ng karton sa gilid ng ospital ang kanilang mga bantay para doon matulog.

Si Rufina Razon na taga-Lemery, Batangas, naaksidente ang anak pero nang dalhin sa ospital ay napag-alamang nagpositibo na ito sa COVID-19.

Isang linggo na siyang nagtitiis na matulog kung saan may bakanteng espasyo sa gilid ng ospital.

"Eto po pag-naulan eh di nababasa, manghihingi po ulit kami ng karton sa tindahan sa labas, mahirap po pero kinakailangan natin tiisin para sa kagalingan ng aming pasyente," ani Razon.

Sa tabi-tabi rin natutulog ang mga kamag-anak ng non-COVID-19 patients ng ospital gaya ni Zenaida Medrano, na gusto sanang bantayan ang anak na natuklasang may sakit sa puso. Namatay naman ang kaniyang bagong-silang na apo.

Tingin ng pamunuan ng ospital na tataas pa ang bilang ng COVID-19 patients kaya inihahanda na nila ang karagdagang medical supplies, mga PPE, oxygen tanks at health workers.

Halos 30 kama pa ang idaragdag sa COVID-19 ward ng ospital sa dami ng mga pasyenteng dumarating.

Payo nila sa mga pasyente na magpa-teleconsult muna lalo na kung hindi naman malala ang kanilang kalagayan.

— Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.