PatrolPH

Pulis galing duty, pinagbabaril sa Negros Oriental

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2022 01:43 AM

Isang pulis ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa lungsod ng Bayawan, Negros Oriental, Lunes ng hapon.

Ayon sa imbestigador ng Bayawan City Police na si Police CMsgt. Archer Birjes, pauwi na sana si Police Cpl. Rey Ambo lulan ng kaniyang motorsiklo nang tambangan siya sa Sitio Ipil-ipil, Brgy. San Roque.

Sinubukan pa siyang dalhin sa district hospital pero idineklara nang dead on arrival. 

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang suspek at kung ano ang motibo sa pamamaril. 

Hindi pa din matukoy kung ilang tama ng baril ang natamo at kung anong klaseng baril ang ginamit ng suspek. 

Nadestino umano si Ambo sa 705th MC Regional Mobile Force Batallion 7. 

Isang hot pursuit operation ang ikinasa ng Negros Oriental Provincial Police Office.—Ulat ni Annie Perez

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.