Pulis patay sa pamamaril sa Nueva Vizcaya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis patay sa pamamaril sa Nueva Vizcaya

ABS-CBN News
Published Aug 14, 2022 05:31 PM PHT

Patay ang isang pulis sa pamamari ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Bambang, Nueva Vizcaya nitong Sabado ng umaga, Agosto 13.

Kinilala ang biktima na si Police Staff Master Sergeant Aldwin Aspacio James, 43, na tubong Baguio City at mag-iisang linggo pa lang na itinalagang Field Training Officer sa Bambang Police Station.

Sa imbestigasyon, kararating ng biktima sa kanilang boarding house sa Barangay Homestead nang lapitan siya ng dalawang lalaki saka pinagbabaril bandang 7:59 ng umaga.

“Sabi nung nakakita sa pangyayari, pagka-park nung victim, bumaba siya sa sasakyan niya then pumunta sa kanilang pintuan at binuksan, ‘yun na may biglang lumapit habang binabaril siya,” sabi ni Police Major Frederick Ferrer na hepe ng Bambang Police.

ADVERTISEMENT
May mga takip ang mukha kaya hindi nakilala ang mga salarin na mabilis tumakas sakay ng motorsiklo.

Isinugod naman sa ospital ng mga rumispondeng kasamahan niya ang biktima pero idineklarang siyang dead on arrival. Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa dibdib at tiyan.

Narekober sa pinangyarihan ng isidente ang apat na basyo ng bala ng kalibre .45 na baril.

Patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang mga salarin at ang motibo ng pagpatay sa biktima na dating intelligence officer sa Davao bago nalipat sa Nueva Vizcaya.

“Nag-FTO lang siya sa Bambang Police, bago lang siya sa amin. Actually assigned siya ng Santa Fe Police. Nung nainterview siya ng COP niya dahil bagong assigned nga, ang sabi ni James ay na-download daw siya dito kasi parang medyo mainit siya sa dati niyang trabaho,” ani Ferrer.

Pinag-aaralan na rin ng mga pulis ang kuha ng mga CCTV sa mga lugar na posibleng dinaanan ng mga salarin.

- ulat ni Harris Julio
MULA SA ARCHIVE
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT