Diaper, nahukay sa isinarang bahagi ng Boracay beach | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Diaper, nahukay sa isinarang bahagi ng Boracay beach

Cherry Palma,
ABS-CBN News
Published Aug 15, 2019 08:03 PM PHT
|
Updated Aug 16, 2019 07:56 PM PHT

Isang diaper ang nahukay ng beach guard sa isinarang bahagi ng Station 1 sa beach front ng Boracay Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Police Mayor Jess Baylon, hepe ng Malay Municipal Police Station, nakita umano ng guwardiya na may puting plastic sa buhangin kaya niya ito hinukay.

Maaari umanong ito ang diaper na ibinaon sa buhangin ng mga turistang nakuhanan ng video na pinadudumi ang anak sa baybayin ng isla.

Hindi pa makumpirma ng mga pulis at Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) kung yun nga ang diaper na nasa video.

Ayon kay Natividad Bernardino, ang general manager ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG), muling binuksan sa publiko ang isinarang bahagi ng Station 1 Huwebes ng hapon. Ito'y matapos pumasa sa water quality test ang tubig sa dagat.

"Yung purpose ng pansamantalang pagsara is to let the public know na this should be taken seriously, pinaghirapan natin ang paglinis ng Boracay kaya dapat lang natin itong panatilihing malinis," paliwanag ni Bernardino.

Dagdag ni Bernardino, napag-usapan sa isinagawang coordination meeting kasama ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na maglalagay sila ng pampublikong palikuran sa lugar. Isa ito sa mga nakitang solusyon upang hindi na maulit ang insidente.