VIRAL: Dayuhan na 'pinadudumi' ang anak sa baybay ng Boracay inireklamo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Dayuhan na 'pinadudumi' ang anak sa baybay ng Boracay inireklamo

VIRAL: Dayuhan na 'pinadudumi' ang anak sa baybay ng Boracay inireklamo

Angela Coloma,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Inireklamo ng isang turista sa Boracay ang umano'y pag-aalalay ng isang babaeng foreign national sa kaniyang anak sa paglalabas ng dumi sa baybayin ng Boracay Island.

Kuwento ng nag-post na si alyas "Grace," nagtatampisaw lang sila sa Station 1 noong Lunes nang mamataan ng kaniyang kaibigan ang dayuhan na pinapadumi ang bata sa buhangin ng dagat.

"Nasa tubig po kame nung time na 'yon when my friends saw the kid poop and (noong nakita ng mga kaibigan ko na nagdudumi at) hinugasan ng mom 'yong kid," ani Grace sa panayam sa ABS-CBN News.

Pagkatapos dumumi ng bata, tinakpan ng ina gamit ng buhangin ang dumi ng anak.

ADVERTISEMENT

Pinagsasabihan pa umano ang foreign national ng ilang turista - na pawang kinabibilangan ng mga Pinoy at iba pang mga foreigner.

Sinundan pa umano ng lola ng bata ang mag-ina para hugasan ang pinagdumihang underwear nito.

"A lot of us were shocked and grossed out kasi galing kame sa water. We didn't know what to do so we just shouted yuck! yuck! to call their attention," reklamo ni Grace.

(Nangdiri at nagulat talaga kaming lahat kasi galing kami sa tubig. Hindi namin alam kung ano ang gagawin namin kaya sumigaw na lang kami ng "yuck! yuck!" para mapansin na nila.)

Sa pagkadismaya, agad na umahon sina Grace at naligo sa kanilang hotel. Pinost din ni Grace ang nangyari sa social media, na may aabot sa higit 1,000 likes at 2,000 shares.

Saklaw sa Municipal Ordinance Number 311 o "Anti-Littering Law" ng bayan ng Malay sa Aklan ang pagdudumi, pag-iihi, at pagdudura sa mga pampublikong lugar, gaya ng Boracay

Dahil menor-de-edad ang bata, ang ina ang mananagot sa pagpapabaya nito sa kaniyang anak, ayon kay Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III sa panayam sa ABS-CBN News.

Giit ng opisyal, responsibilidad ng mga turistang malaman kung ano-ano ang mga patakaran at ordinansa sa pagbabakasyunan.

"Responsibilidad din ng turistang malaman na kahit wala yang mga signs na yan sa mga tourist destination hindi ka dapat nagdudumi. Alam na dapat ng turista iyan," ani Densing.

Maaalalang anim na buwang isinailalim sa malawakang clean-up drive ang Boracay kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018.

-- May ulat ni Katrina Domingo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.