Pulis na dawit sa kaso ng minaltratong kasambahay sa Mindoro, sinibak sa pwesto | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis na dawit sa kaso ng minaltratong kasambahay sa Mindoro, sinibak sa pwesto

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Aug 14, 2023 09:18 PM PHT

Sinibak bilang hepe ng Police Community Relations ng Mamburao Municipal Police Office si Police Executive Master Sergeant Maria Eliza Palabay matapos madawit sa reklamong isinampa kaugnay ng pang-aabuso sa kasambahay na si Elvie Vergara na humantong sa kaniyang pagkabulag.

Kabilang si Palabay sa sinampahan ng pormal na reklamo ni Elvie sa piskalya matapos umano siyang pagbantaan kapag nagsumbong sa dinaranas niyang pang-aabuso mula sa kamay ng mga amo.

Una nang itinanggi ni Palabay ang paratang. Pero giit ng biktima, tandang-tanda pa niya ang hitsura ni Palabay nang siya ay pagbantaan dahil nakakakita pa siya noon.

"Dinuduro-duro nya ako tinaasan pa nya ako ng boses, sabi niya kapag inulit mo pa yun dadamputin na talaga kita sabi sa akin ng matabang babae na si Mam Liza," kwento ni Elvie.

Sa panayam sa telepono, sinabi ni Occidental Mindoro Police Provincial Director, Col. Jun Dexter Danao, mananatili muna si Palabay sa Provincial Police Headquarters para hindi maimpluwensyahan ang imbestigasyon.

“Ilipat ko muna siya from Mamburao dadalhin ko muna siya dito sa provincial headquarters...habang tumatakbo ang imbestigasyon diyan," ani Danao.

Sinabi naman ng abugado ng biktima na si Atty. Jovito Gambol, posibleng gawing testigo si Barangay Chairman Jimmy Patal.

Mahalaga umano ang impormasyon ni Patal dahil siya ang nakakita noong taong 2021 nang makatakas si Elvie sa kamay ng mga amo at tumakbo sa Barangay Hall.

Nasaksihan din umano ni Patal nang kunin ng amo si Elvie na nangakong iuuwi na sa pamilya.

"Mas maganda siguro si kapitan na magwitness, sabihin nya yung alam nya, hindi naman natin siya pinagsisinungaling para malaman ang katotohanan," ani Gambol.

Samantala, pinapatutukan naman ni Senator Francis Tolentino sa mga abugado ng Philippine Legal Justice Center ang pagkuha ng danyos para sa biktimang si Elvie Vergara.

Ayon kay Atty. Olivia Feliciano ng Philippine Legal Justice Center, bukod sa kasong kriminal sa mga nangmaltrato kay Elvie, kailangan din makakuha ang biktima ng compensation claims mula sa mga pinsalang tinamo niya dahil sa pang-aabuso at ang mga posibleng kikitain pa nito na nawala dahil hindi na siya makapagtrabaho.

Dagdag pa ni Atty. Feliciano, maging ang mga sahod na hindi naibigay kay Elvie mula nang nagtrabaho siya ay kailangan ding maibigay.

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT