Higit 700,000 katao apektado ng habagat: NDRRMC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 700,000 katao apektado ng habagat: NDRRMC

Higit 700,000 katao apektado ng habagat: NDRRMC

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 14, 2018 09:02 PM PHT

Clipboard

Napuno ng putik at basura ang kalyeng ito sa Nangka, Marikina matapos humupa ang baha na dala ng habagat noong Agosto 11. Mark Demayo, ABS-CBN News

MAYNILA (UPDATE) - Higit 700,000 katao na ang naitalang apektado sa pagbuhos ng malakas na ulan dala ng habagat na pinalakas pa ng nagdaang bagyong Karding, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa huling tala ng ahensya Martes, nasa 781,162 katao o 177,859 pamilya mula sa 572 barangay sa Regions I (Ilocos Region), III (Central Luzon), Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), CAR (Cordillera Administrative Region) at NCR (National Capital Region) ang naapektuhan ng habagat.

May kabuuang 36,176 pamilya o 172,288 katao naman ang lumikas sa kani-kanilang mga bahay at kasalukuyang nakatira sa mga evacuation centers.

Umabot na rin sa 48 mga bahay ang nasira sa Regions III, Calabarzon at CAR, kung saan 12 dito ay totally damaged.

ADVERTISEMENT

Ang malakas na pag-ulan noong Sabado ay nagdulot ng matinding pagbaha hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga kalapit nitong mga lugar.

Nalubog sa baha ang 318 mga lugar sa Region I, Calabarzon at NCR simula pa noong Agosto 11, pero ang tubig sa 119 sa mga ito, kasama na ang mga lugar sa Metro Manila, ay humupa na.

Nakapaglabas naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units ng tulong na nagkakahalaga ng P17.13 milyon para sa Regions I, III, CAR at NCR.

Mayroong 28 na mga kalsada rin sa Regions I, II, III, Calabarzon at CAR ang naapektuhan ng habagat, pero 17 sa mga ito ay madaraanan na.

Naibalik na rin ang suplay ng kuryente sa 16 mula sa 33 lugar na una nang nakaranas ng pagkawala ng kuryente simula Agosto 11 sa Regions I, III, Calarabarzon, at CAR.

Sa mga biyahero naman, may 152 pasahero mula sa 6 barko at 4 motorbanca ang na-stranded sa Camarines Sur, Sorsogon, Batangas, Romblon, Southern at Northern Quezon, at Cebu sa kasagsagan ng habagat.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.