Presyo, suplay ng manok sa ilang palengke, tinapyasan | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Presyo, suplay ng manok sa ilang palengke, tinapyasan

Presyo, suplay ng manok sa ilang palengke, tinapyasan

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 12, 2017 09:05 PM PHT

Clipboard

Nagbawas na ng presyo ang ilang nagtitinda ng manok sa palengke kasunod ng pangamba dahil sa bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.

Binaba sa P120 kada kilo ang presyo ng manok sa ilang tindahan sa Balintawak Market mula sa dating P140 hanggang P150 per kilo.

Kuwento ng mga tindera, mahina ang benta at marami pa rin silang paninda kahit binaba nila ng hanggang 50 porsiyento ang kinukuhang suplay ng manok.

Hindi naman nagbaba ang presyo sa mga supermarket ngunit nagbawas na rin sila ng kinukuhang suplay ng hanggang 40 porsiyento.

ADVERTISEMENT

Ipinuwesto naman sa San Luis, Pampanga ang dalawang animal quarantine checkpoint para maiwasan na may lumabas na anumang klase ng poultry products.

Nagumpisa na rin ang extermination sa mga poultry farm sa apektadong area.

Avian Influenza Type A Subtype H5 ang strain ng virus. Kinukumpirma pa ngayon kung saan nagmula ang outbreak, dahil kailangan pa nilang magsagawa ng mga test sa Australia.

Ayon naman sa Palasyo, dapat maging kalmado ang publiko sa kabila ng outbreak.

Pinayuhan naman ng Department of Health ang publiko na takpan ang bibig at ilong kapag bumabahin o umuubo, maghugas ng kamay, at uminom ng maraming tubig para di maapektuhan ng bird flu.

Huwag ding lumapit sa wild birds o pumunta sa mga farm na may mga ibon.

ADVERTISEMENT

Kung may lagnat na lagpas tatlong araw, kumonsulta na sa doktor.

Babala pa ng mga eksperto, bagaman maliit lang ang tsansang magkaroon ng cross infection mula hayop papunta sa tao, nangyayari ito at nakamamatay.

Nilinaw naman nila na hindi ito nakukuha sa pagkain ng lutong karne ng manok o itlog. -- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.