Mga checkpoint sa Cavite binaklas; mga pulis tututok sa pagpapatupad ng health protocols | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
News
Mga checkpoint sa Cavite binaklas; mga pulis tututok sa pagpapatupad ng health protocols

Michael Delizo,
ABS-CBN News
Published Aug 11, 2021 02:03 PM PHT
|
Updated Aug 11, 2021 06:58 PM PHT
(UPDATE) Binaklas na ang mga checkpoint ng pulisya sa Cavite para tutukan ang law enforcement at pagpapatupad ng iba pang health protocols, ayon kay Gov. Jonvic Remulla.

"Kung inyong mapapansin ay tinanggal na ng [Philippine National Police] ang mga checkpoint na talaga namang nagiging sanhi ng malubhang traffic," sabi ni Remulla sa isang Facebook page noong Martes.

Ayon kay Remulla, tututok na lang ang mga pulis sa "mga nararapat" tulad ng pagsita sa mga pampublikong sasakyan ukol sa overcrowding, pagbabantay sa mga pagala-gala at nagkalat sa lansangan, at pag-enforce ng curfew at anti-drunk driving law.

Nauna nang ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government ang paglalatag ng mga border control bilang bahagi ng pagsugpo sa COVID-19.

Bagama't isa ang Cavite sa mga probinsiyang may mataas na kaso ng COVID-19, sinabi ni Remulla na sapat ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lalawigan sa halip na mas mahigpit na ECQ.

Sakaling ilagay pa ang Cavite sa ECQ, hindi sapat ang inilaang ayuda ng national government, ani Remulla.

Aabot din sa P1 bilyon ang mawawala sa ekonomiya ng Cavite kada araw kung ilalagay ito sa ECQ, dagdag ng gobernador.

MGA LABI SA CREMATORIUM DUMAMI
Sa General Mariano Alvarez (GMA), inireklamo ng mga residente ang isang crematorium dahil sa usok at masamang amoy na nagmumula sa pasilidad, ayon kay Mayor Maricel Torres.

Ayon umano sa pamunuan ng crematorium, ang naturang isyu ay dahil sa pagdami ng mga labi na pinoproseso nila kada araw.

Mula 4 na labi, umakyat sa 9 ang pinoproseso ng nag-iisang crematorium sa GMA, na tumatanggap din ng mga namatay sa COVID-19 mula sa ibang lugar sa Cavite.

Nangako na umano ang crematorium na maglalagay ng dagdag na chimney at magsasagawa ng maintenance sa makina 2 beses kada linggo.

Samantala, sa Bacoor City, isinailalim sa lockdown ang isang compound sa Barangay Molino II, kung saan hindi rin kikilalanin ang mga authorized persons outside residence (APOR).

Ayon sa executive order ng lokal na pamahalaan, naka-lockdown ang Zaragosa compound mula Agosto 9 hanggang 22 matapos maitala ang 5 kumpirmadong kaso ng COVID-19 at 2 iba pang nag-positibo sa antigen test.

Inilipat na sa isolation facility ang mga kumpirmadong kaso.

Nasa 200 indibidwal ang apektado ng lockdown na mabibigyan naman umano ng relief goods.

Mariing iniutos ng city hall na bawal lumabas ng bahay sa Zaragosa compound, kahit ang mga APOR, at tanging mga tauhan ng barangay ang kukuha o bibili ng mga pangangailangan ng mga residente.

"No one, not even APOR, in the whole Zaragosa compound may be allowed to go out of the house," sabi sa EO.

Idiniin sa EO na may kaukulang parusa ang mga lalabag sa lockdown.

RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regional news
Cavite
Jonvic Remulla
Covid-19
surge
health protocol
checkpoint
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT