Ilang lugar sa Visayas, Mindanao nakaranas ng matinding baha, landslide | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang lugar sa Visayas, Mindanao nakaranas ng matinding baha, landslide

Ilang lugar sa Visayas, Mindanao nakaranas ng matinding baha, landslide

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 09, 2022 07:29 PM PHT

Clipboard

Mga residente ng Davao City na inilikas kasunod ng pag-apaw ng mga ilog bunsod ng masamang panahon. Retrato mula kay Renante Luna
Mga residente ng Davao City na inilikas kasunod ng pag-apaw ng mga ilog bunsod ng masamang panahon. Retrato mula kay Renante Luna

Nakaranas ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa ang ilang lugar sa Visayas at Mindanao dahil sa malakas na buhos ng ulan nitong nagdaang magdamag.

Sa Davao City, isang lalaki ang nawawala habang 233 pamilya ang lumikas gabi ng Lunes dahil sa pagbaha, ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Nawala ang lalaki matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig sa Barangay Tamugan, ayon kay Alfredo Baloran, hepe ng Davao CDRRMO.

Daan-daang pamilya naman ang inilikas sa Barangay Matina Crossing at Barangay Bankerohan matapos umapaw ang Davao at Talomo River.

ADVERTISEMENT

Binaha rin ang maraming lugar sa downtown Davao, dahilan para ma-stranded ang maraming motorista at commuter, base sa monitoring ng CDRRMO.

Karamihan sa mga lumikas ay umuwi na nitong umaga ng Martes, pero may ilang nanatili pa rin sa evacuation center dahil sa baha.

Bukod sa masamang panahon, binaha rin ang lungsod dahil sa high tide na umabot sa 6 talampakan ang taas, ani Baloran.

Baha sa Kabacan, Cotabato. Retrato mula sa Kabacan Local Government Unit
Baha sa Kabacan, Cotabato. Retrato mula sa Kabacan Local Government Unit

Binaha rin nitong umaga ng Martes ang ilang lugar sa bayan ng Kabacan, Cotabato bunsod ng magdamag na ulan, kung saan apektado ang nasa 1,000 pamilya.

Agad nagsagawa ng rescue operation ang mga kawani ng municipal disaster office sa mga binahang residente.

Naghahanda na umano ang lokal na pamahalaan ng pagkaing ipapamahagi sa mga apektadong pamilya pati ayuda.

Sa bayan ng Alegria, Cebu, tumugon ang municipal disaster office sa landslide sa may Lower Kawasan Montpellier.

Pinalikas na umano ang mga residente sa lugar habang isinasagawa ang clearing operation.

Landslide sa Lower Kawasan Montpellier sa Alegria, Cebu. Retrato mula sa Alegria Disaster Risk Reduction and Management Office
Landslide sa Lower Kawasan Montpellier sa Alegria, Cebu. Retrato mula sa Alegria Disaster Risk Reduction and Management Office

Sa Cebu City, nagsagawa ng rapid disaster assessment at needs analysis sa ilang barangay kung saan nagkaroon ng landslide nitong mga nagdaang araw.

Patuloy ring nililinis at dine-dredge ng lokal na pamahalaan ng Cebu City ang mga ilog na umapaw noong nakaraang linggo, na nagdulot ng pagbaha.

Watch more News on iWantTFC

Sa Negros Oriental, nakaranas umano ng matinding pagbaha noong gabi ng Lunes ang mga barangay ng Calamba at Poblacion sa Guihulangan City.

Nagtaas rin ng Alert Level 1 sa landslide-prone areas na Barangay Planas at Humayhumay.

Inaalam na ng lokal na pamahalaan ng Guihulangan kung anong tulong ang maaari nitong maihatid sa mga taong napinsala ang tahanan dahil sa baha.

Nagdeklara ngayong Martes ng class suspension sa lahat ng antas sa Guihulangan kasunod ng pagbaha.

— Ulat nina Hernel Tocmo, Maricel Butardo at Annie Perez

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.