PatrolPH

Babae patay matapos mabato sa dibdib sa loob ng bahay

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2022 04:06 AM | Updated as of Aug 09 2022 04:11 AM

Kuha ng Sinait PNP 
Kuha ng Sinait PNP 

Patay ang isang 61-anyos na babae matapos siya tamaan ng bato sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Sinait, Ilocos Sur, Linggo ng gabi. 

Ayon kay Police Chief Master Sergeant Danny Maligsay, bago ang pamamato ay nagtatalo at nagsisigawan ang biktima at ang kanyang pamangkin sa bahay ng matanda sa Brgy. Pug-os.

Halos 5 metro lamang ang layo ng bahay niya mula sa bahay ng suspek, na kapatid ng biktima. 

Dahil sa kanilang pagtatalo, dalawang beses na binato ng suspek ang bahay ng biktima para patigilin ang dalawa sa kanilang pagtatalo.

Sa kasamaang palad, tinamaan sa dibdib ang biktima na nasa loob ng kanyang kwarto nang mangyari ang insidente. 

Dead on arrival sa ospital ang matandang babae.

Desidido umano ang anak ng biktima na sampahan ng kasong homicide ang suspek.—Ulat ni Grace Alba

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.