PatrolPH

Sasakyan nabagsakan ng bato sa Benguet; 1 patay, 1 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2022 05:37 AM

Isa ang patay at isa ang sugatan matapos sila mabagsakan ng bato habang bumabaybay sa isang lansangan sa bayan ng Atok, Benguet, Lunes ng hapon.

Base sa imbestigasyon ng Atok PNP, papunta sa bayan ng La Trinidad, Benguet ang mga biktima na lulan ng isang FX. 

Pagdating nila sa bahagi ng Kilometer 53, Cattubo sa Atok, doon bumagsak ang bato sa mga biktima. 

Dalawa ang nakaligtas sa naturang trahedya, kabilang ang driver ng sasakyan.—Ulat ni Mae Angelei Daos Cornes

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.