Curfew violator na may sakit sa pag-iisip patay sa pamamaril ng tanod sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Curfew violator na may sakit sa pag-iisip patay sa pamamaril ng tanod sa Maynila

ABS-CBN News
Published Aug 09, 2021 04:59 PM PHT
|
Updated Aug 10, 2021 02:47 AM PHT

Patay ang isang lalaking may sakit sa pag-iisip matapos barilin ng barangay tanod sa Tondo, Maynila dahil sa paglabag sa curfew, sabi ngayong Lunes ng mga awtoridad.

Sa kuha ng CCTV sa Barangay 156, mapapanood ang pagsita ng tanod na si Cesar Panlaqui sa isang lalaki pasado alas-9 ng gabi noong Sabado, oras ng curfew.

Nang lapitan siya ng lalaki at tila papaluin ng hawak na yantok, biglang napaatras si Panlaqui saka bumunot at kumasa ng baril.

Pero umatras rin ang lalaki at lumakad palayo. Doon siya sinundan ng tanod saka binaril.
Pero umatras rin ang lalaki at lumakad palayo. Doon siya sinundan ng tanod saka binaril.
ADVERTISEMENT
Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), lumabas na may sakit sa pag-iisip ang 59 taong gulang na lalaki.

Palaboy-laboy siya sa oras ng curfew kaya sinita ng tanod, na nauwi sa pamamaril.

"Nakita natin dito sa CCTV footage ng barangay na 'yong biktima at yung suspek natin nagkaroon ng verbal confrontation," sabi ni Police Capt. Philipp Ines, public informaiton officer ng MPD.

"Pero nalaman nga natin na itong biktima na ito ay may problema sa pag-iisip," dagdag niya.

Naaresto noong Linggo sa kaniyang bahay si Panlaqui. Inaalam pa ng mga pulis kung may kaukulang papeles ang ginamit niyang baril.

Sumalang na sa inquest proceeding ang suspek para sa reklamong murder.

Inatasan na rin ng Department of the Interior and Local Government ang Philippine National Police na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa kaso para sa posibleng pag-abuso sa pagpapatupad ng health protocols.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nasawi sa pagsita ng mga awtoridad sa mga lumalabag sa health protocol at curfew.

Noong Mayo, napatay ang isang 18 anyos na lalaking may special needs matapos barilin ng mga pulis sa operasyon kontra tupada sa Valenzuela.

Isang curfew violator naman ang namatay sa Laguna noong Abril matapos umanong bugbugin ng barangay tanod.

— Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Maynila
Tondo
enhanced community quarantine
health protocol
curfew
violator
tanod
pamamaril
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT