Di pa rin papigil: Pambubugbog sa Laguna curfew violator sinubukang awatin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Di pa rin papigil: Pambubugbog sa Laguna curfew violator sinubukang awatin

Di pa rin papigil: Pambubugbog sa Laguna curfew violator sinubukang awatin

ABS-CBN News

 | 

Updated Apr 12, 2021 04:01 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Sinubukang pigilan ng ilang bystander ang pambubugbog umano ng mga barangay tanod sa isang lumabag sa curfew sa Calamba, Laguna pero hindi nagpaawat ang mga suspek, sabi ngayong Lunes ng kapatid ng biktima.

Ayon kay Gledien Jimenez, kapatid ng biktimang si Ernanie, lumabas ng bahay ang kaniyang kapatid bandang alas-10 ng gabi noong Miyerkoles para bumili ng pagkain nang mangyari ang insidente.

Nahuli ng mga tanod ng Barangay Turbina si Ernanie at pinagbubugbog umano nang tangkain niyang tumakas.

Patay si Ernanie Jimenez matapos umanong bugbugin ng mga barangay tanod nang lumabag sa curfew sa Calamba, Laguna. Retrato mula kay Gledien Jimenez

"Tumakas po siya kasi gusto niya na po umuwi o kaya may mga pananakit nang ginagawa sa kapatid ko. Tapos 'yong nakakita po, inawat ng nakakita, 'yong taga-doon din po... inaawat na pero 'di pa rin papigil. Tuloy pa rin sa pagbubugbog," kuwento ni Gledien sa panayam ng Teleradyo.

ADVERTISEMENT

Nangyari ang insidente gabi ng Miyerkoles pero binawian ng buhay si Ernanie sa Calamba Medical Center Hospital noong Biyernes.

Noong pina-CT scan si Ernanie, nakitang durog ang bao ng ulo nito, sabi ni Gledien. "Noong pina-CT scan na po 'yong kapatid ko, durog po 'yong bao ng ulo niya..."

Mismong asawa ni Gledien at kinakasama ni Ernanie umano ang nakakita sa pambubugbog ng nasa 4 na tanod.

"'Yong asawa ko po saka kinakasama, lumabas na po para tingnan at hanapin... pero 'di po nila 'to nakita tapos noong babalik na po sila sa bahay, 'yon po nakita po nila 'yong pangyayari na binubugbog 'yong kapatid, sinisipa kaya po nabagok," kuwento ni Gledien.

"Bago mabagok, grabe na po tadyakin, bugbugin bago po makarating ho doon," aniya.

ADVERTISEMENT

Pero ayon sa mga kinatawan ng Barangay Turbina, natumba si Ernanie habang hinahabol ng mga taga-barangay nang tangkain nitong tumakas.

Hinihintay pa ang resulta ng autopsy sa bangkay ni Ernanie.

Ayon pa kay Gledien, handa rin silang magsampa ng kaso sa mga responsable sa pagkamatay ng kaniyang kapatid.

Kamakailan lang isa umanong curfew violator ang nasawi sa General Trias, Cavite dahil sa matinding matinding na pinagawa sa kaniya ng mga pulis bilang parusa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.