Pulis dawit sa pamamaril sa binatilyong may special needs | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis dawit sa pamamaril sa binatilyong may special needs

ABS-CBN News
Published May 24, 2021 10:01 PM PHT
|
Updated May 24, 2021 10:48 PM PHT

MAYNILA — Labis ang pagtangis ni Helen Arnigo dahil sa sinapit ng 18 anyos na anak na si Edwin.

Noong Linggo, nabaril umano si Edwin habang nagsasagawa ng police operation kontra tupada ang Valenzuela police.

Sa pahayag ng Valenzuela police, nang-agaw umano si Edwin ng baril sa pulis na si Senior Master Sgt. Cristopher Salcedo kaya siya nabaril.

Pero taliwas ito sa pahayag ng pamilya ng biktima.

ADVERTISEMENT
Hindi rin lubos maisip ni Arnigo kung paano nabaril ang kanyang anak na nasa autism spectrum.

"Sabi nila nang-agaw ng baril, hindi magagawa ng anak ko yun kasi ang laki ng pulis eh, paano maaagawan ng baril 'yun? eh tutulak lang ng kalaro 'yun talsik na," ani Arnigo.

Dagdag pa ng ina, may nakausap siyang testigo kung ano talaga ang nangyari sa anak niya.

"Pagtakbo ng anak ko, may pulis daw, nabulaga. Ginano'n 'yung anak ko, tinutok ang baril dito, yakap-yakap niya. Ang tanong ko, bakit niya binaril anak ko eh yakap na niya?" sabi ni Helen.

"Binabaliktad kasi kami. Kaya kailangan namin na NBI matulungan kami.... Hirap [si Edwin] magsalita... Takot sa pulis 'yun, sa baril, sa paputok, hindi niya lalapitan, sa kidlat takot din 'yun... Sana lumabas ang tama na pangyayari," sabi ni alyas "Totoy," kaibigan ng pamilya.

Hindi rin makapaniwala ang guro ni Edwin sa pahayag ng mga pulis na nang-agaw ito ng baril. Tahimik, mabait at masunurin na estudyante umano si Edwin.

"Sa 10 years kong nakasama si Edwin, never siyang naging aggressive, ever. Kaya nalulungkot ako na meron siyang naging ganu'n nakasangkutan, si Edwin ay kuya ng aking mga estudyante... Pagdating sa kanyang behavior wala ako masabi, 'yan ay laging bumabati sa lahat ng teacher, nagbe-bless," ani Teacher Joey Andres Galang.

Sa ngayon, hinihintay pa ng pamilya na mapa-autopsy ang bangkay ni Edwin.
Inihahanda pa ang mga kasong kriminal at administratibo na isasampa laban sa pulis na nakabaril sa biktima.

Paiimbestigahan naman sa National Bureau of Investigation ang pangyayari.

—Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
krimen
crime
Valenzuela
Valenzuela City
police shooting
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT