PatrolPH

Batang naghahanap ng seashells nalunod sa Southern Leyte

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2021 06:30 PM

Batang naghahanap ng seashells nalunod sa Southern Leyte
Kuha ni Dhalia Orit

Patay ng matagpuan ang isang 4-anyos na batang lalaki sa dalampasigan sa Maasin City, Southern Leyte, Linggo ng umaga.

Ayon sa Maasin City Police Station, isang concerned citizen ang nakatagpo sa bata sa naturang dalampasigan sa Barangay Isagani ng lungsod.

Huling nakita ang biktima kasama ang mga pinsan nito na naghahap ng seashells sa dalampasigan ng Purok Sabang, Brgy. Asuncion sa parehong siyudad noong Sabado ng hapon.

Kinumpirma sa post-mortem examination ng bata na pagkalunod ang dahilan ng pagkamatay ng bata.

—Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.