Duterte: Kulang pa rin ang supply ng bakunang nakukuha ng gobyerno | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Duterte: Kulang pa rin ang supply ng bakunang nakukuha ng gobyerno

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Aug 03, 2021 05:10 AM PHT
|
Updated Aug 03, 2021 06:44 PM PHT

MAYNILA—Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na kulang pa rin ang nakukuhang supply ng gobyerno ng COVID-19 vaccines para mabigyan ang lahat ng mga Pilipino.

Ito ay sa kabila ng panawagang mas mabilisan sana ang pagbabakuna kontra sa virus dahil na rin sa banta ng mas nakahahawang Delta variant.

"Ang problema talaga ng Pilipinas, wala tayo supply na maganda," mungkahi ng Presidente sa lingguhang public address nitong Lunes.

"Kasi kung mayroon, maibigay natin sa lahat. If we have numbers in sufficient vaccines, hindi na sila maghintay, ibigay na natin agad. It is just a matter of handling. Our worry is just the handling and how the efficacy of the vaccines is protected. Pero pagdating, gusto natin pagdating ibigay na agad.

ADVERTISEMENT
"Unahin lang natin ang mga mainit na lugar na marami tao. More persons, more transmission, less crowd, less transmission."

Pero giit naman ng Pangulo, hindi nakakalimot ang gobyerno sa tungkulin nito na protektahan ang mga Pilipino. Tiniyak din niyang darating ang panahon na maabutan ng bakuna ang bawat lugar sa bansa.

"We're always conscious of our duty to protect all Filipinos, but then it is not a way of saying that to protect, we give all, because we cannot have the vaccines. Kailangan natin idahan-dahan lang," dagdag niya.

"As the supplies come in, we have the money, (Finance) Sec. (Carlos) Dominguez assured us. We are buying, as habang parami nang parami iyan, it will distributed to all local government units, including the far-flung areas na hindi na maabot. We will see to it."

Sa report naman ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., sinabi niyang dumarami na ang mga nababakunahan sa bansa.
Sa report naman ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., sinabi niyang dumarami na ang mga nababakunahan sa bansa.
ADVERTISEMENT
Nasa mahigit 20 million doses na aniya ang naibigay na bakuna, kung saan nasa 11.7 million dito ay naibigay sa first dose, habang nasa 9.1 million na ang naturukan hanggang second dose.

Malayo pa rin ito sa target ng gobyerno na 70 milyong Pilipino ang mabakunahan para maabot ang herd immunity.

Aminado si Galvez na mahina pa rin ang pagbabakuna sa mga senior.

"Ang talagang medyo challenge natin itong sa senior citizens. Nakita natin na hindi pa rin umaangat ang first dosing natin. Dati almost 2 million tayo. Ngayon hindi tayo umangat, kaunti lang ang ating nabakunahan because of some sort of hesitancy of our A2," aniya.

Sa panig naman ng Department of Health, sinabi ni Secretary Francisco Duque III na dapat bilisan ang pagtataas ng kapasidad ng mga ospital.

"So ako po ay nananawagan sa atin pong mga hospital chiefs na sa lalong madaling panahon ay gawin ang lahat para ma-convert ang inyong mga isolation beds into intensive care unit beds dahil ito po ang serbisyo na talagang makapagpapagaling ng atin pong mga severe and critical COVID cases, bagkus ito po ang makakapagsalba ng mga buhay," ani Duque.

Sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority Benhur Abalos na naghahanda ang Metro Manila mayors sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine simula sa August 6.

May pakiusap din sa publiko ang Department of the Interior and Local Government.

"Para sa kaligtasan ng mamamayan, kailangan nating ipatupad and hard lockdown sa NCR at hinihingi natin ang pang-unawa at kooperasyon ng lahat ng ating mamamayan lalo na sa NCR upang labanan natin ang sinasabing Delta variant na kumakalat na po dito sa ating bansa," ani Interior Secretary Eduardo Año.

RELATED VIDEO:
Read More:
Rodrigo Duterte
coronavirus
COVID-19
vaccine supply
DOH
Department of Health
MMDA
Metropolitan Manila Development Authority
DILG
Department of the Interior and Local Government
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT