Manila Bay, tambak ng basura dahil sa habagat | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Manila Bay, tambak ng basura dahil sa habagat

Manila Bay, tambak ng basura dahil sa habagat

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Dahil sa malakas na alon dala ng habagat, hindi pa rin lubusang nalilinis ng mga kinatawan ng pamahalaan ang basurang nakatambak sa dalampasigan ng Manila Bay.

Ang basurang nakatambak sa gilid ng Roxas Boulevard sa may Baywalk sa Maynila ay inanod umano mula sa Cavite at iba pang mga lugar sa timog Katagalugan.

Noong Sabado ng madaling araw ay pumunta na umano ang mga mangangalakal upang kuhanin ang mga piraso ng basura na maaari pang pakinabangan, tulad ng mga kawayan at plastik na bote.

Nagtungo rin sa Manila Bay ang mga kinatawan ng Manila City Hall Department of Public Services upang maglinis ng basura. Sa oras ng pagsulat ng ulat na ito Sabado ng umaga ay napuno na nila ang isang truck ng basura. Posibleng hindi umano matapos ngayong araw ang paglilinis sa lugar dahil sa lagay ng panahon.

ADVERTISEMENT

Inaasahang tuloy na magdadala ng ulan ang bagyong "Gorio" at ang habagat sa Luzon ayon sa PAGASA, Sabado ng umaga.

Alas-4 ng umaga Sabado ay nakita ang bagyo 200 kilometro sa bandang hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Nanatiling nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 2 sa Batanes, habang idineklara naman ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Babuyan group of islands.

Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyong Gorio sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo ng hapon. – Mula sa ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.