Tubig sa Prinza Dam sa Cavite tumataas, mga residente pinaghahanda | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tubig sa Prinza Dam sa Cavite tumataas, mga residente pinaghahanda

ABS-CBN News
Published Jul 25, 2021 12:54 PM PHT

Pinaghahanda ang mga residenteng nakatira sa paligid ng Prinza Dam sa General Trias, Cavite dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng tubig doon.

Ayon kay Fernando Olimpo, head ng General Trias disaster office, umabot na sa Level 2 o orange level ang antas ng tubig sa Prinza Dam nitong alas-8 ng umaga ng Linggo, dahil sa patuloy na pag-ulan/

Kung tutuusin, mababa na aniya ito kompara noong Sabado na umabot sa Level 3 o critical level ang tubig sa dam, na nangangahulugan ng napipintong pag-apaw.

Ayon kay Olimpo, sakaling umapaw ang dam, nasa 14 na barangay sa bayan ang posibleng bahain.
Ayon kay Olimpo, sakaling umapaw ang dam, nasa 14 na barangay sa bayan ang posibleng bahain.
ADVERTISEMENT
Mula alas-6 ng gabi noong Sabado, umabot sa 252 indibidwal o 52 pamilya ang lumikas sa General Trias dahil sa pagbaha bunsod ng pag-apaw ng mga ilog at irrigation canal.

Hindi pa rin pinadadaanan sa ngayon ang Sta. Clara-Vibora Bypass bridge dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT