Sara Duterte 'utak,' Palasyo may basbas sa kudeta sa Kamara? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sara Duterte 'utak,' Palasyo may basbas sa kudeta sa Kamara?

ABS-CBN News
Published Jul 25, 2018 08:34 PM PHT
|
Updated Jul 07, 2019 02:25 PM PHT

Deretsahang pinagbibintangan ng Makabayan bloc si Davao City Mayor Sara Duterte na siyang utak umano sa pagpapatalsik kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez at pagluklok kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang lider ng Kamara.

Ayon sa kanila, kitang kita ang impluwensiya ng presidential daughter sa Kongreso at duda pa nila ay may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naganap na "kudeta" sa Kamara.

"Alam naman ng lahat na si Mayor daw mismo ang direktang tumatawag sa mga kongresista dito para suportahan si GMA (Arroyo)," ani ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio.

"It speaks volume na ito ay may basbas na talaga ng Malacañang," teyorya naman ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

Ayaw nang magbigay ng pahayag ng alkalde pero giit ng mga kaalyado ni Arroyo sa Kongreso, sila mismo ang nangampanya para sa dating pangulo.

"I did my part. I made some calls to some friends and from the minority about this possible scenario," ani Quezon Rep. Danilo Suarez.

"[But] she (Arroyo) didn't call me," paghuhugas-kamay ni Capiz Rep. Fred Castro.

Ayon naman kay Ang Kabuhayan party-list Rep. Dennis Laogan na nagpasumpa kay Arroyo, pinagtulungan talaga ng mayorya na alisin si Alvarez.

"From what I know, it was the concerted effort of the majority of the House that wanted to have a new Speaker."

Dagdag naman ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza, naubos ang pasensiya ng mga kongresista kay Alvarez sa sapilitang pagtutulak nito ng charter change at "no election" sa 2019.

"To me that is the biggest error [of Alvarez]," paniniwala ni Atienza.

ANG PAGHAHARAP
Sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang "agawan" ng kapangyarihan, nagharap nitong Miyerkoles ng umaga sina Arroyo at Alvarez.

Tumanggi na si Arroyo na isiwalat ang napag-usapan nila.

Kuwento ni Pampanga Rep. Dong Gonzales, siya ang naging sugo ni Arroyo kay Alvarez para ialok na magpalitan sila ng opisina.

Pumayag naman si Alvarez at sinabing sa Lunes na siya pinal na aalis.

Sa text message ni Alvarez sa mga mamamahayag, sinabi niyang alang-alang sa bayan ay magbabalik-trabaho na silang lahat sa Kongreso.

"We cannot undo the past, but we can certainly shape our future. The House of Representatives has chosen a new Speaker in the person of former President Gloria Macapagal-Arroyo. Alang-alang sa bayan, let us get back to work and move on," giit ng napatalsik na speaker.

—Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
TV Patrol
Kamara
Congress
Kongreso
Sara Duterte
Gloria Macapagal Arroyo
Davao City
ACT Teachers party-list
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT