Kudeta sa Kamara: 'Agawan ng kapangyarihan, nakababahala' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kudeta sa Kamara: 'Agawan ng kapangyarihan, nakababahala'

ABS-CBN News
Published Jul 23, 2018 09:56 PM PHT
|
Updated Jul 23, 2018 10:22 PM PHT

Sa isang pambihirang pagkakataon, nagpalit ng liderato nitong Lunes ang House of Representatives ilang minuto bago ang nakatakdang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo.

Naantala nang isang oras at 20 minuto ang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi naratipikahan ang isang mahalagang panukalang prayoridad maging batas ng administrasyon, at nagkaroon ng kaguluhan kung sino nga ba ang tunay na speaker ng Kamara.

Tila "kinudeta" ng mga taga-suporta ni Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo si House Speaker Pantaleon Alvarez at iniluklok ang dating pangulo sa pinakamataas na posisyon sa mababang kapulungan.

Pero di lamang "delay" sa SONA ang naging epekto ng "kudeta."
Pero di lamang "delay" sa SONA ang naging epekto ng "kudeta."
ADVERTISEMENT
Sa panayam ng ABS-CBN News, nangangamba ang dalawang eksperto sa public governance sa posibleng magiging pangmatagalang negatibong epekto ng naganap sa Kongreso.

Ayon kay legal and governance expert Antonio La Viña, hindi maganda ang tila pagragasa sa tangkang pagpapalit ng liderato sa Kamara.

Lalo pa aniya itong nagpalala sa paniniwala ng ilan na sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan ay naisasantabi ang tamang proseso masunod lang ang kagustuhan ng administrasyon.

"Ang malungkot sa akin, 'yung precedent na puwede na ito mangyari ulit. Iyung civility ng ating political process, mababa na nga eh lalo pang bababa," hinaing ni La Viña.

Tila rin daw pinuwersa ng mga kongresista ang Pangulo na magdesisyon kung sino ang kikilalaning Speaker lalo’t ayaw magparaya ng sinuman kina Arroyo at Alvarez.

Ayon naman sa dating dekano ng UP National College of Public Administration and Governance na si Edna Co, dapat nagparaya na lang kahit isang araw si Arroyo at hinayaan munang matapos nang matiwasay ang SONA.

"I feel for him (Alvarez) dito sa napaka-unceremonious na pagbabago at ng biglaang pangyayari na ito na nagkaroon ng change sa speaker of the House. With due respect to Cong. Gloria Macapagal-Arroyo, I would have yielded a day after...na maproklama siyang speaker of the House," opinyon ni Co.

Ayon sa dalawang eksperto, paano raw magtitiwala ang publiko sa mga opisyal ng gobyerno kung sila-sila mismo ay hindi naisasaayos ang mga simpleng bagay.

'MAGKAALYADO'
Pero ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Jonathan Malaya, hindi magiging balakid ang posibleng pagpapalit ng liderato sa Kamara sa mga plano para sa bansa ni Duterte.

Sakali mang matuloy si Arroyo bilang bagong House speaker, kaibigan ito at kilalang kaalyado ng Pangulo kaya maisusulong pa rin ang mga programa ni Duterte, ayon kay Malaya.

"I don't see any problem honestly because [Arroyo] has always been supportive of federalism," paniniguro ni Malaya.

Makatutulong din daw si Arroyo sa pagpapatatag sa mga koalisyon dahil isa na itong beterano sa politika.

Nadiskaril na Bangsamoro law
Isang casualty sa awayan sa Kamara ay ang hindi pagkakaratipika sa Bangsamoro Organic Law, na tinitingnang makakatulong sa resolusyon ng problemang pangkapayapaan sa Mindanao, at iba pang mga isyung matagal nang naging hadlang sa pag-unlad ng mga rehiyon sa isla.

Sinertipikahang urgent measure ito ni Duterte.

Batay sa napagkasunduan, sabay raratipikahan ng Senado at Kongreso ang BOL nitong Lunes at pipirmahan ni Duterte kasabay ng kaniyang SONA pero hindi ito natuloy, dahil sa kudeta sa Kamara.

—May ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
House of Representatives
House Speaker
Kamara
Speaker of the House
Pantaleon Alvarez
Gloria Macapagal Arroyo
leadership
SONA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT