Pagpirma sa Bangsamoro law, naudlot dahil sa House coup | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagpirma sa Bangsamoro law, naudlot dahil sa House coup

ABS-CBN News
Published Jul 23, 2018 05:54 PM PHT
|
Updated Jul 24, 2018 03:59 PM PHT

Pormal na nagbukas ang third regular session ng 17th Congress nitong umaga ng Lunes.

Sa Senado, pinangunahan ni Senate President Tito Sotto ang ratipikasyon sa bicameral conference committee report ng Bangsamoro Organic Law.

Ang pagsasabatas sa Bangsamoro Organic Law (BOL) ay tinitingnang makakatulong sa resolusyon ng problemang pangkapayapaan sa Mindanao, at iba pang mga isyung matagal nang naging hadlang sa pag-unlad ng mga rehiyon sa isla.

Nananatiling nakapatay ang audio mula sa Kamara kahit nakaupo na si House Speaker Gloria Arroyo sa podium | ulat ni @robertmanodzmm pic.twitter.com/uwkPOL8a7T
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) July 23, 2018

Kaya naman sinertipikahang urgent measure ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

ADVERTISEMENT
Batay sa napagkasunduan, sabay raratipikahan ng Senado at Kongreso ang BOL nitong Lunes at pipirmahan ni Duterte kasabay ng kaniyang State of the Nation Address (SONA) pero hindi ito natuloy, dahil sa kudeta sa Kamara.

Pinalitan ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo si House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ikinalungkot ng Senado at ng Malacañang ang nangyari.

Nauna nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na nabago ang dapat na takbo ng SONA ni Duterte dahil kalakip dapat nito ang paglagda ng pangulo sa BOL.

"It will be changed kasi nga walang ratipikasyon, so it will not be signed. So medyo nabago ang parte ng speech kung saan dapat titigil siya at lalagdaan niya yung BBL [BOL]," ani Roque sa isang ambush interview sa Kamara.

"Hinahayaan po namin sa mga miyembro ng Kamara na magkaroon ng sariling desisyon pagdating sa kanilang liderato. This is an internal matter reserved for the House of Representatives."

Ito naman ang tugon ni Roque ukol sa usap-usapang si Davao City Mayor Sara Duterte ang nanguna sa pag-upo ni Arroyo bilang bagong House Speaker: “If that is the case po we’ll leave it at that pero ang Presidente po will respect whoever the choice of the members of the House will be kung mayroon mang bago.”

Noon lamang Pebrero nang bumanat si Sara Duterte laban kay Alvarez.

Pero pinili ni Alvarez na “sumuko” at hindi balikan ang mga birada ng alkalde.

-- Ulat nina Sherrie Ann Torres at Pia Gutierrez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Sherrie Ann Torres
Kamara
Senado
State of the Nation Address
SONA
SONA 2018
SONA2018
SONA2018
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT