Kudeta sa Kamara: GMA, 2 beses nanumpa bilang bagong speaker | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kudeta sa Kamara: GMA, 2 beses nanumpa bilang bagong speaker

ABS-CBN News
Published Jul 23, 2018 07:21 PM PHT
|
Updated Jul 23, 2018 11:01 PM PHT

- 'Kudeta' inabot ng halos maghapon
- Alvarez wala sa 2 beses na panunumpa ni Arroyo
- Isyu ang 'nawawalang' mace

(UPDATED) Pasado alas-3 ng hapon nitong Lunes, natuloy ang matagal nang umuugong na kudeta laban kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Tumayo si Camarines Sur Rep Rolando Andaya Jr. para pasimulan ang pagpapadeklara na bakante ang posisyon ng House speaker.

The Manifesto of support being signed. pic.twitter.com/IZUvkEcXVb
— RG Cruz ABS-CBN News (@1rgcruz) July 23, 2018

Kahit pinatayan ng sound system at hindi makagamit ng mikropono, isinigaw ni Andaya ang seremonya.

Para magkarinigan, nagkumpol-kumpol sa harapan ang mga kongresista na nais patalsikin si Alvarez.

ADVERTISEMENT
Walang secretariat staff, wala ring mace na simbolo ng awtoridad ng Kamara.

Pero nagbotohan hanggang kalaunan, at nagpalakpakan na senyales na si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na ang bagong House speaker.

Maya-maya, hinatid si Arroyo sa rostrum at pinasumpa.

Pero nang dumating ang helicopter ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinalubong ito nina Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Fariñas, kasama ni Senate President Tito Sotto at Senate Majority Leader Miguel Zubiri.

Tumuloy sila sa holding room.
Tumuloy sila sa holding room.
ADVERTISEMENT
NAUDLOT NA BOL
Nauwi sa ganito ang pagkudeta kay Alvarez dahil biglaang in-adjourn ni Deputy Speaker Gwen Garcia ang sesyon bandang tanghali habang busy sa panganghalian ang marami.

Naka-break kasi noon ang sesyon matapos ang mga unang seremonya sa pagbubukas ng third regular session.

Pagka-break, tinago na ang mace. Ang mace ng Kamara ay sumisimbolo na ang kapulungan ay may sesyon. Wala ito sa plenary hall nang manumpa si Arroyo bilang speaker, ayon kay Prof. Jean Encinas-Franco ng University of the Philippines.

Umpisa pa lang ng sesyon kaninang alas-10 ng umaga, hindi na binitiwan ni Alvarez ang gavel ng Kamara.
Binuksan ang sesyon, nagbigay ng kaniyang talumpti si Alvarez kung saan pinasalamatan niya ang mga kasama. Pinuri niya rin ang kanilang mga napasang batas.

Hanggang sa nag-break ang sesyon habang hinihintay ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Hanggang sa nag-break ang sesyon habang hinihintay ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
ADVERTISEMENT
Pero dahil nga biglang in-adjourn ni Garcia, walang naratipikahang BOL na pipirimahan sana ni Duterte ngayong araw.

Maghapong inabangan ang pag-upo ni Arroyo dahil buong weekend umugong na "tinatrabaho," nagtawag, at nangampanya ang anak ng pangulo at Davao City Mayor Sara Duterte at ang mga kakampi niya na ipalit si Arroyo kay Alvarez.

Kaninang umaga, kaunti lang ang mga kongresistang sumipot sa caucus na pinatawag ng mayorya para sa BOL.

Sinabayan kasi ito ng mga meeting ng minorya at iba pang political parties sa Kamara.

Unang umugong ang pagkudeta kay Alvarez nang mag-away sila ni Davao Del Norte 2nd District Rep. Antonio Floirendo, Jr. dahil sa TADECO.

Nanatili ang ugong ng kudeta laban kay Alvarez nang inalis niya si Arroyo at iba pang House leaders sa puwesto dahil sa pagkontra sa death penalty.

Sinabi pa noon ni Alvarez na hindi niligwak si Arroyo dahil sa interes ng dating pangulo na maging House speaker.

Umugong ulit ang kudeta nang i-zero ni Alvarez ang pondo ng ilang kongresista sa 2018 budget.

Hanggang sa sumabog ang away nila ni Sara Duterte.

Noon lang Abril, mukhang nagkabati sina Alvarez at Sara sa birthday ni Arroyo pero lumalabas, natuloy ang kudeta sa ibang panahon.

ISYU SA MACE
Ipinunto naman ng ilang analyst na maaaring ituring na hindi opisyal ang pagkakaluklok kay Arroyo dahil wala ang House mace na sumisimbolong nasa sesyon ang mababang kapulungan ng Kongreso.

Naunang sinabi ni Deputy Speaker Miro Quimbo na sa ilalim ng House rules ay hindi na puwedeng magsesyon muli sa parehong araw kapag adjourned na, pero may poder ang plenaryo basta may sapat na bilang na suspendehin ang patakaran nila at gawin ang gusto nila.

We abstained from today’s vote on the speakership. Others who joined US were Congs Lagman, Bordado, Villarin. pic.twitter.com/WZHsddfBlX
— Miro Quimbo (@miroquimbo) July 23, 2018

Matapos ang SONA ni Duterte pasado alas-6 ng gabi, biglang nagro-roll call o nagtatawag ng pangalan ng mga kongresista sa plenaryo para sa inaasahang botohan para sa liderato ng Kamara.

Naging isyu pa rin ang pagkakaroon ng mace na sumisimbolong mayroong sesyon ang Kamara.

Naihabol naman ang mace sa huling bahagi ng botohan.
Naihabol naman ang mace sa huling bahagi ng botohan.
ADVERTISEMENT
Bago mag-alas-9 ng gabi ay pormal nang idineklara si Arroyo bilang bagong House speaker.

"With 184 affirmative votes, 12 abstention, Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo is hereby elected as the new speaker of the House of Representatives," ani Andaya sa pag-aanunsiyo ng bagong liderato ng Kamara.

Inalalayan ng mga kinatawan ng iba't ibang partido si Arroyo sa kaniyang pag-akyat sa rostrum.

Sa ikalawang pagkakataon din ay nanumpa muli si Arroyo bilang bagong speaker.

Hindi nakita sa plenaryo si Alvarez sa parehong pagkakataong nanumpa ang humalili sa kaniyang si Arroyo.
Hindi nakita sa plenaryo si Alvarez sa parehong pagkakataong nanumpa ang humalili sa kaniyang si Arroyo.
ADVERTISEMENT
Pero si Alvarez pa rin ang nasa rostrum habang nagtatalumpati ang kaalyadong pangulo.

-- Ulat nina RG Cruz at Katrina Domingo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
kudeta
Kamara
coup d’etat
coup
House of Representatives
House
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT