Bahagi ng La Trinidad, Benguet binaha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng La Trinidad, Benguet binaha

Bahagi ng La Trinidad, Benguet binaha

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ni Denver Bastingo ng DZWT 540 Radyo Totoo

Laking gulat ng mga residente at motorista sa biglaang pagtaas ng tubig sa Brgy. Pico, La Trinidad, Benguet, Biyernes ng umaga.

Nagdulot ito ng masikip na trapik sa KM4 at ang ilanay inabot ng isang oras sa daan dahil hindi na madaanan ng maliliit na sasakyan ang kalsada sa taas ng tubig na may kasamang putik at malalaking bato.

Daanan ito ng mga papasok at palabas ng Baguio City, lalo na ng mga nagde-deliver ng gulay at iba pang produkto papunta sa iba ibang lugar.

Ayon kay La Trinidad Mayor Romeo Salda, baradong drainage ang dahilan ng pagbaha.

ADVERTISEMENT

"Nagka-flood po dahil may kasama po putik at boulders yung tubig galing sa Sitio Upper Cogcoga kaya na clog ung drainage canal papunta sa Balili River po kaya flood 'yung kalsada," aniya.

Tulong-tulong ang pamahalaang lokal, DPWH, at mga residente sa clearing operation.

Bandang alas 11:30 ng umaga, nadadaanan na ulit ng mga sasakyan ang kalsada.

Madalas na problema sa La Trinidad ang baha.

"Dapat po i-check po before rainy season ung Upper Cogcoga na wala pong putik at boulders na pweding tangayin ng tubig pababa (para maiwasan ang pagbaha)," ani Salda.

Binaha rin ang malaking bahagi ng strawberry farm sa La Trinidad. Nasira ang mga cellophane tunnel na magsisilbi sanang proteksyon ng mga pananim mula sa pag-uulan.

Simula nuong Miyerkoles, naranasan sa Cordillera ang tuloy-tuloy na pag-uulan.

—Ulat ni Mae Angelei Daos Cornes

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.