Ilang lugar sa Bacoor, Cavite lubog pa rin sa baha kasunod ng habagat | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang lugar sa Bacoor, Cavite lubog pa rin sa baha kasunod ng habagat

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Jul 23, 2021 12:52 PM PHT

MAYNILA - Makulimlim at umaambon sa Bacoor, Cavite na noong isang araw pa ay tinamaan na ng pagbaha dahil sa ulang dala ng habagat.

Some roads in Bacoor City such as portions of Aguinaldo Highway & Niog Road still submerged in gutter-deep floods after 2 days of rain. pic.twitter.com/9RjWajdB3n
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) July 23, 2021

Dahil tumila na rin ang ulan mula Huwebes ng gabi, pahupa na rin ang tubig sa maraming binahang bahagi ng Aguinaldo Highway.

Kasamang binaha ang kanto ng Niog Road, at sa Tirona Highway ay nasa 4 na pulgada ang lalim.

Mas matagal nga lang humupa ang tubig sa mga loobang subdivision tulad sa New Niog Village na ang entrada ay nasa Niog Road.

Ayon sa Bacoor City Disaster Risk Reduction and Management Office, umaapaw ang mga baradong creek sa paligid kasama ang malakas na ulan kaya bumaha.

Lagpas-tuhod na baha ang sinusuong ng mga nakatira roon para makapunta ng trabaho o ibang lalakarin.

Knee-deep flooding remains at New Niog Village in Niog 2, Bacoor. Residents wade through the water to get to work or do errands. They say this has been the area’s situation for decades pic.twitter.com/wFl226u6rj
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) July 23, 2021
Knee-deep flooding remains at New Niog Village in Niog 2, Bacoor. Residents wade through the water to get to work or do errands. They say this has been the area’s situation for decades pic.twitter.com/wFl226u6rj
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) July 23, 2021
May ilan na dumiskarte na lang gaya ng paggamit ng styro para may sakyan ang kasamang bata.

Kuwento ng isa, nasanay na silang mag-akyatan na lang sa mas mataas na palapag ng bahay kapag baha.
Kuwento ng isa, nasanay na silang mag-akyatan na lang sa mas mataas na palapag ng bahay kapag baha.
Knee-deep flooding remains at New Niog Village in Niog 2, Bacoor. Residents wade through the water to get to work or do errands. They say this has been the area’s situation for decades pic.twitter.com/wFl226u6rj
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) July 23, 2021
Knee-deep flooding remains at New Niog Village in Niog 2, Bacoor. Residents wade through the water to get to work or do errands. They say this has been the area’s situation for decades pic.twitter.com/wFl226u6rj
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) July 23, 2021
Matagal na rin anila ang ganitong sitwasyon sa kanilang lugar.

"Noong nagkataasan ng mga kalsada iyon lang talaga. Tapos nasasara ang mga lumang creek. Kaya dati 3 oras na umuulan, hindi ‘‘yan bumabaha. Ngayon trenta minutos lang tuloy-tuloy, mas mataas pa diyan. Kinalakihan na dito iyan. Sanay na sanay na kami diyan. Ganoon talaga ang buhay, sanay ka na lang," sabi ng residenteng si John Kristiab.

Ayon kay Kagawad Dindo Leynes ng Barangay Niog 2, hindi na rin lumilikas ang mga residente kapag tumataas ang baha kaya pinupuntahan na lang nila ang mga bahay para magbigay paalala tuwing tag-ulan.

Sinusuong rin nila ang baha para hatiran ng pagkain ang mga senior citizen at ibang hindi makalabas ng bahay.

Sa ulat ng Bacoor City DRRMO, may 8 pamilya na inilikas sa 3 barangay dahil sa pag-ulan at pagbaha kahapon. Karamihan sa kanila’y mga buntis, senior citizen at bata.