PatrolPH

1 patay, 2 sugatan matapos mabagsakan ng puno sa Baguio City

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2021 11:03 PM

1 patay, 2 sugatan matapos mabagsakan ng puno sa Baguio City 1
Kuha ng Fud Papa Delivery

BAGUIO CITY- Nawasak ang isang taxi matapos mabagsakan ng natumbang puno sa kahabaan ng Kennon Road sa Baguio, Biyernes ng hapon.

Dalawa sa mga pasahero ng taxi ang nasugatan habang ang isa ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

Hindi naman nasugatan ang driver ng sasakyan. 

Nadaganan din ng isa pang natumbang puno ang isang pribadong kotse sa Burnham Legarda Road, Baguio City bandang alas 12 ng tanghali.

Wala namang nasaktan sa insidente.

—Ulat ni Mae Angelei Daos Cornes

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.