Bata patay matapos mabagsakan ng puno sa Cainta

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2020 10:01 AM

Patay ang isang bata matapos mabagsakan ng puno sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Cainta, Rizal Miyerkoles.

Ayon kay Eric Arevalo ng Cainta disaster risk reduction and management office, bandang alas-3 ng madaling araw kanina nang bumagsak ang puno sa isang bahay sa Barangay San Isidro.

Naipit anya ang bata sa puno at kumpirmadong patay na.

Wala pang pagkakakilanlan si Arevalo sa biktima.

Samantala, patuloy din ang pagtaas ng baha sa area ng Floodway dahil sa bagsak ng tubig na nanggagaling sa Rodriguez at San Mateo, Rizal.

Umaabot anya hanggang 3 metro ang baha o hanggang baywang lalo sa mga loobang lugar.