Calamba mayor hindi umano sinabihan tungkol sa 2 kaso ng Delta variant sa lungsod | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Calamba mayor hindi umano sinabihan tungkol sa 2 kaso ng Delta variant sa lungsod

Calamba mayor hindi umano sinabihan tungkol sa 2 kaso ng Delta variant sa lungsod

ABS-CBN News

Clipboard

Si Calamba City Mayor Timmy Chipeco. Larawan mula sa Facebook page ni Mayor Chipeco

CALAMBA, Laguna - Sinabi ni Calamba City Mayor Timmy Chipeco na wala siyang kaalam-alam tungkol sa naitalang 2 kaso ng COVID-19 Delta variant sa kaniyang lungsod.

“Hindi naman nila inire-report sa akin eh. 'Yan ang hirap sa kanila eh, sila ang nakakaalam. Hindi naman sila nagte-text sa akin na may variant kami. Siguro 'yung pinadalang swabbing, sa kanila ginawa, hindi naman sa amin,” ani Chipeco.

Sa panayam sa telepono kay DOH-Calabarzon Regional Director Eduardo Janairo, kinumpirma nito sa ABS-CBN News na dalawang kaso ng Delta variant ang naitala sa Calamba City.

Ito ang kauna-unahang Delta variant na naitala ng DOH, hindi lang sa lungsod, kundi maging sa buong Calabarzon region.

ADVERTISEMENT

Sinabi niyang nakipag-ugnayan na sila sa local government unit at nakahanda na umanong magsagawa ng contact tracing.

“Actually, na-inform na ang ating LGU... Nag-i-start na silang mag-assess ng area at the same time. Kung may iko-contact trace, ready to contact trace na,” ani Janairo.

Galit na tinatanong ni Chipeco kung sino ang nakausap ng DOH sa lungsod. Aniya, hindi dapat nakakaligtaang sabihan ang alkalde, lalo na ng mga ganitong klaseng impormasyon.

“Dapat, ako ang unang sinabihan nila, 'yung Mayor. Hindi ibang tao. Itatago nila, papaano ko mase-secure yung tao?" ani Chipeco.

Pupulungin ng alkalde ang city health office para malaman ang mga detalye ng nasabing variant, at para itanong kung sino ang nakakausap ng Department of Health-Calabarzon.

Sa mensaheng ipinadala ni Dr. Dennis Labro, health officer ng Calamba City, sinabi niyang under investigation pa ito ng DOH at naghihintay pa sila ng resulta.

Sa kasalukuyan, may 589 active COVID-19 cases sa Calamba City, mula sa kabuuang bilang na 10,155. Nasa 197 ang namatay at 9,369 ang gumaling.

—Ulat ni Andrew Bernardo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.