Unang kaso ng Delta variant sa Calabarzon, naitala sa Laguna | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Unang kaso ng Delta variant sa Calabarzon, naitala sa Laguna

Unang kaso ng Delta variant sa Calabarzon, naitala sa Laguna

ABS-CBN News

Clipboard

Kinumpirma ng Department of Health sa Calabarzon na mayroon nang naitalang kaso ng mas nakahahawang Delta variant sa rehiyon.

Sa panayam sa telepono Huwebes ng umaga, sinabi ni DOH Regional Director Eduardo Janairo na dalawang kaso ito at mula sa Calamba City, Laguna.

“Dalawang kaso Calamba, 2 cases sa Calamba, two pa lang so far ang na-identify,” sabi ni Janairo.

Limitado pa ang impormasyong ibinigay, pero sinabi niya na mahigpit na tinututukan ang naitalang unang kaso ng variant.

ADVERTISEMENT

“Ang aking RESU, 'yung Regional Epidemiology [Surveillance Unit] ay nakikipag-coordinate sa Central Office namin ngayon to get all the information that we need to have para dun sa cases na 'yun,” sabi niya.

Dagdag niya na hindi malayong nagkaroon na ng community transmission at inamin na limitado pa ang kakayahan para malaman agad ang mga bagong variant ng COVID-19.

“Baka may others na already, kasi hindi naman ganung kaganda pa ang identification natin for the variants because we don’t have the capacity yet na full-blown. 'Yang 2 na yan might be an initial iceberg, pagka na-kuwan mo ay hindi lang pala 'yun ang problema mo, mas malaki pa,” sabi niya.

Samantala, nananatiling positibo si Janairo na kaya ng Calabarzon na mapagtagumpayan ang laban sa COVID-19 sa kabila ng banta ng bagong variant.

“Ang importante, we have identification of cases, kaya we have all already point 25 molecular laboratory, all over the region, tayo ang may pinakamarami na molecular laboratory. Actually, we are also accommodating NCR request for the identification of their swab test and then ang ating mga facilities for public and private ay nag-level up especially nagkakaroon na tayo ng mga tent sa public areas ng public hospital wherein nagdadagdag tayo ng ward beds at nagdadagdag tayo ng ICU,” paliwanag niya.

Nagpaalala pa rin ang DOH sa bawat isa na panatilihin ang pagsunod sa minimum public health standard gaya ng social distancing at pagsuot ng face mask.

- Ulat ni Andrew Bernardo

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.