Isyu sa teritoryo, karapatang pantao, tema ng SONA 2019 protest | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Isyu sa teritoryo, karapatang pantao, tema ng SONA 2019 protest

Isyu sa teritoryo, karapatang pantao, tema ng SONA 2019 protest

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 22, 2019 11:00 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) — Kasabay ng ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes, nagkasa rin ng sari-saring kilos-protesta ang maraming grupo sa Batasang Pambansa at sa iba pang karatig na lugar.

Isa sa mga nanaig na isyu ng mga militanteng grupo ay ang posisyon ng administrasyon sa West Philippine Sea at ang tila pagbabalewala umano ng Pangulo sa karapatang pantao.

Kabilang sa mga nagprotesta ang mga grupong Gabriela, Kilusang Mayo Uno, Anakpawis, Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Alliance of Health Workers, at ilang religious groups.

May temang karagatan ang placard at iba pang props ng mga grupo.

ADVERTISEMENT

Inulan nang malakas ang mga kilos-protesta. Gayunman, hindi nagpatinag ang mga grupo at nagtangka pa ring lumapit sa Batasang Pambansa para iparating ang kanilang mensahe kay Duterte.

Nagawa pa nilang mag-jamming sa gitna ng ulan habang sinisigaw ang mga pinaglalaban.

Nauna nang sinabi ng mga grupo na pinili nila ang anila'y "pinakapangit" na lamang-dagat na siyokoy para ilarawan ang "pangit" na sitwasyon sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.

Ang effigy - na kinalauna'y sinunog ng mga tagaprotesta - ang naglalarawan sa kanilang pananaw na "nakikipagsabwatan" si Duterte sa pangulo ng Tsina na si Xi Jinping.

Nanawagan ang mga grupo ng mangingisda na patalsikin si Duterte dahil dito.

ADVERTISEMENT

Dambuhalang isda naman ang ginawa ng grupong Sikad, at nakapinta sa palikpik nito ang pagpapatigil sa pangha-harass sa mga Pilipinong mangingisda.

"Malaking bagay ang paglikha mula sa sining biswal, sa musika, sa pelikula kailangan nating tumindig na mga artista sa side ng mga mamamayan na tuloy ang paglalaban," ani Gerone Centeno ng Sikad.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sinabi rin ng mga grupo na dapat manaig ang karapatang pantao sa gitna ng umaarangkadang war on drugs ng pamahalaan, kung saan libo-libo na ang napapatay.

Ayon sa tala ng Philippine National Police, aabot sa 6,600 ang napatay sa drug war, mas mababa sa umano'y 27,000 na naitala ng human rights groups.

Naging payapa naman daw ang mga kilos-protesta, ayon sa pulisya.

— May ulat nina Doris Bigornia, Jeff Canoy, Jeffrey Hernaez, Zhander Cayabyab, Kevin Manalo, at Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.