Vice mayor ng Camaligan, Camarines Sur, nagbitiw sa pwesto | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Vice mayor ng Camaligan, Camarines Sur, nagbitiw sa pwesto

ABS-CBN News
Published Jul 20, 2022 03:35 AM PHT

Higit dalawang linggo pa lang ang nakararaan nang manumpa si Marilou Marquez bilang bagong bise-alkalde ng bayan ng Camaligan, Camarines Sur, matapos talunin ng 567 votes ang nag-iisang katunggali.

Pero nitong Hulyo 18, inabisuhan niya si Mayor Diano Ibardaloza ng kanyang pagbibitiw sa pwesto. Ayon sa liham nito, hindi madali ang ginawa niyang desisyon pero kailangan dahil sa kaniyang "personal reasons".

Tumanggi na sa media interviews si Marquez na siyam na taon din nagsilbing mayor ng Camaligan.

Pero sa panayam sa kanya ng Bossing FM nitong Martes, inamin niyang may lamat na ang relasyon niya sa bagong alkalde at sa pito ng walong konsehal na kasama pa niya noong kampanya.

ADVERTISEMENT
“ ’Yung pride ko po halos ibinaba ko na para lang maging OK. Kasi importante po sa’kin ’yung samahan e ... Nakita ko na po na di na healthy even sa mga councilors nagpa-plastikan na po kami … Ang pakiramdam ko nag-iisa na lang ako sa SB,” pahayag ni Marquez sa wikang Bikol.

Idinahilan din niya sa pagbibitiw ang idinudulot na umanong masamang epekto sa kalusugan niya ng stress na sanhi ng pulitika.

“Ang stress ko emotionally. I’m a strong personality but tao lang din ako nasasaktan, and I don’t deserve na ganituhin ako ng mga kasamahan ko sa LGU. Lahat po ibinigay ko,” ani Marquez.

Tututok na lang muna umano siya sa pagpapalaki sa anak bilang solo parent.

Humalili kay Marquez si topnotcher Councilor Josefina Azor. Inirekomenda na ng konseho sa Sangguniang Panlalawigan at Kapitolyo na maupo sa binakanteng pwesto ni Azor ang nagpang-siyam na konsehal na si ex-mayor Rolly Eduardo.

Apela na lamang ni Marquez sa LGU, huwag alisan ng trabaho ang iniwang staff dahil may mga pamilya silang kailangang suportahan. - Ulat ni Jonathan Vega Magistrado

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT