Batang nagsauli ng pouch na may higit P100K, hinangaan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Batang nagsauli ng pouch na may higit P100K, hinangaan

Batang nagsauli ng pouch na may higit P100K, hinangaan

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 20, 2021 05:23 PM PHT

Clipboard

Hinangaan ang Grade V learner na si Denard Uy-uyon dahil sa ipinakita nitong katapatan sa pagsauli ng napulot na pouch na may lamang P100,000 sa may-ari nito. Larawan mula sa DepEd Tayo Youth Formation Division Office ng Ifugao

Isang magandang ehemplo sa kabataan kung ituring ngayon ng mga taga-Ifugao ang isang 11-anyos na lalaking kababayan na mula Barangay Panubtuban.

Sa Facebook page ng Department of Education (DepEd) Tayo Youth Formation Division Office ng Ifugao, buong pagmamalaking ibinahagi nito ang ginawang katapatan ng Grade V pupil ng Panubtuban Elementary School sa bayan ng Asipulo na si Denard Uy-uyon.

“It was validated lately that this learner Denard B. Uy-uyon, 11 years old, a grade V pupil of Panubtuban Elementary School, Asipulo District found a big cash in the amount of P102,450.00 and gave to his mother. Eventually, they were able to contact the owner and gave [back] the money,” sabi ng DepEd Tayo Youth Formation Division Office.

Kuwento ng bata, buwan pa ng Mayo nangyari ang insidente kung saan napulot niya ang pera na nakalagay sa isang pouch sa upuan ng pampasaherong jeep na kanyang sinakyan. Paminsan-minsan daw kasi siyang sumasakay sa pampasaherong jeep na ito na pagmamay-ari at minamaneho ng kanilang kapitbahay para tumulong sa pagbubuhat ng mga karga-kargang gamit ng mga pasahero.

ADVERTISEMENT

Nang makita niya na pera ang laman ng pouch ay agad niya itong dinala sa kanyang nanay. May nakita naman ang kaniyang nanay na si Daisy na ID at contact number sa loob ng pouch kaya agad niya itong tinawagan.

"Tiningnan ko kung may ID sa pouch, nakita ko 'yung receipt mula sa Landbank kasi kawi-withdraw pala sa araw na 'yun at doon ko nakita 'yung number ni Ate Myrna," sabi ni Daisy.

Napag-alaman na ang may-ari pala ng pouch ay ang kanilang kabarangay na si Myrna Nalliw. Naibalik din sa kaniya agad ang pouch.

"Masaya po ako na naibalik 'yung pera na buo. Doon sa bata ay sana ay marami pang katulad niya na honest," sabi ni Nalliw.

Kwento nito, hindi raw niya namalayan na nahulog ang kanyang pouch hanggang sa tinawagan na lamang siya ni Daisy.

Isang assistant administrative officer ng isang renewable energy corporation sa Ifugao si Myrna. Sabi nito, kawi-withdraw lamang niya ng pera na pondo ng pinagtra-trabahuhan niyang korporasyon.

Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga magulang ng bata. Pang-apat siya sa kanilang limang magkakapatid.

Sabi ni Denard, ibinalik niya ang nakitang pouch dahil gusto niyang maging tapat, na laging paalala ng kanyang mga magulang sa kanya.

"Indeed, this young boy heard well and internalized the teachings of his parents, relatives, teachers and other mentors from other agencies. He is now a model to other children," sabi ng DepEd.

Dahil sa katapatan ni Denard, nakatanggap ito ng reward na P10,000 mula sa isang residente na mula naman sa bayan ng Kiangan sa lalawigan din ng Ifugao.

- Ulat ni Grace Alba

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.