Honest tricycle driver, nagsauli ng envelop na may laman na P21K | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Honest tricycle driver, nagsauli ng envelop na may laman na P21K

ABS-CBN News
Published May 28, 2021 05:26 PM PHT

Hindi nag alinlangan ang isang tricycle driver sa Roxas City na isauli ang napulot na perang nagkakahalaga ng P21,000, Huwebes ng umaga.

Dinala ni Reniel Dela Cruz, 50-anyos, ang napulot na plastic envelop na may lamang pera sa istasyon ng Roxas City Police para isauli sa may-ari na si Sheilla Mae Desales.

Ayon kay Dela Cruz, kahit kapos rin siya sa pera para sa pang araw-araw na gastos ay hindi niya pinag interesan ang napulot na pera dahil alam niya kung gaano kahirap ang buhay ngayon sa panahon ng pandemya.

Laking pasasalamat ni Desales, 22, sa kabutihang ipinamalas ng tricycle driver.

ADVERTISEMENT
Ayon naman kay Police Lieutenant Colonel Ricardo Jomuad Jr, hepe ng Roxas City Police, dapat pamarisan ng iba ang pag-uugaling pagiging matapat sa kapwa tulad ng ginawa ni Dela Cruz.

- Ulat ni Rolen Escaniel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT