2 patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Tondo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 patay sa magkahiwalay na pamamaril sa Tondo

Karen De Guzman,
ABS-CBN News
Published Jul 19, 2023 03:52 PM PHT

MAYNILA — Dalawang tao ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Tondo district nitong madaling araw ng Miyerkoles.

Kabilang dito ang isang 24 anyos na babae na binaril pasado ala-1 ng madaling araw.

Kinilala ang biktima bilang si Dyan Erica Prado, na pauwi na sana ng kanilang bahay nang mangyari ang pamamaril.

Sa kuha ng CCTV, makikitang naglalakad si Prado at kaniyang kaibigan sa isang eskinita sa Barangay 105 nang sundan sila ng tingin ng isang lalaking naka-helmet at naglakad din sa direksiyon nila.

ADVERTISEMENT
Ilang saglit lang ay kumaripas na nang takbo ang kaibigan ni Prado matapos mabaril sa ulo ang biktima.

Sinubukan pang dalhin ang biktima sa ospital pero binawian din ito ng buhay.

May apat nang hinihinalang dawit sa krimen na pinaghahanap na ngayon ng pulisya.

Sa Barangay 128 naman, patay rin sa pamamaril ang isang lalaki maga-alas-5 ng madaling araw.

Base sa ulat ng pulisya, namili sa tindahan ang biktima na si Juanito Baer kasama ang kanyang nanay.

Naunang bumalik sa bahay ang kanyang ina nang biglang nakarinig ito ng magkakasunod na putok ng baril.

Nakuhanan din ng CCTV ang dalawang lalaking bumaril kay Baer.

Ayon sa imbestigador, may kinalaman sa ilegal na droga ang nangyaring krimen.

"Mayroon siyang record ng pagtutulak at paggamit ng ilegal na droga. Allegedly may onsehan sa droga, mayroong hindi nakapag-remit. Nagalit ang boss niya, pinapatay siya," ani ni Police Corporal Christian Pineda ng Manila police.

Nananawagan ng hustisya ang mga kaanak ng mga biktima.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT