Suspek sa pamamaril sa photojournalist sa QC tiklo | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suspek sa pamamaril sa photojournalist sa QC tiklo

Suspek sa pamamaril sa photojournalist sa QC tiklo

Zyann Ambrosio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 11, 2023 09:06 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Arestado ng pinagsanib na pwersa ng operating teams ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa anim na suspek na sangkot sa pamamaril sa photojournalist na si Joshua Abiad.

Lumalabas sa imbestigasyon ng QCPD na anim ang suspek sa pamamaril, kung saan apat ang nasa kotse at dalawa ang nakasakay sa motorsiklo.

Ayon kay QCPD District Director, Police Brigadier General Nicolas Torre III, naaresto nila ang hinihinalang gunman na umaming target talaga nila si Abiad. May nasagasaan umano si Abiad sa isa sa kanyang mga istorya noon.

Itinuturo ng nadakip na suspek ang isa umanong dating barangay chairman sa Pasay, ayon kay Torre.

ADVERTISEMENT

Dagdag ng QCPD, una nang sinabi sa kanila ni Abiad na wala siyang maalalang coverage kaugnay sa nasabing dating opisyal ng barangay, pero sinusubukan niya pa rin umanong alalahanin ito.

Rebelasyon pa ng naarestong suspek, nasa P100,000 ang ibinigay sa kanila para sa pamamaril, at P50,000 ang napunta sa kanya.

Tiniyak ng pulisya kamakailan na ligtas na ang mga biktima na kasama ng tabloid photojournalist noong Hunyo 29.

Namatay ang isang kasama nila noon sa sasakyan na 4 anyos na bata.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.