Bikers, isinulong ang karapatan ng mga bata | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bikers, isinulong ang karapatan ng mga bata

Bikers, isinulong ang karapatan ng mga bata

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 18, 2021 09:53 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Nagtipon ngayong Linggo ang maraming grupo sa Quezon City para isulong ang proteksyon ng karapatan ng mga bata.

Nagsagawa ang Child Rights Network ng biking activity na tinawag na "Padyak to EndVAC: A Bike Ride to End Violence Against Children."

Ang Child Rights Network ay alyansa ng mga grupo mula sa Luzon, Visayas at Mindanao na tumutulong sa mga bata sa iba't ibang isyu at aspeto.

Isinasagawa aniya nila itong bike activity para itulak ang karapatan ng mga bata sa lehislatura o sa Kongreso.

ADVERTISEMENT

Habang nag-aantay umano ang bansa sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong buwan, nais nilang ipaalala sa mga mambabatas at sa pamahalaan na dapat gawing prayoridad ang kabataan sa mga batas, lalo na ngayong may pandemya.

"Gusto namin itulak na i-prioritize ang pagprotekta sa mga bata laban sa violence, laban sa pang-aabuso sa kanila," sabi ni Toni Flores, tagapagsalita ng CRN.

Ilan sa isyu na gusto nilang matutukan ay online sexual abuse at exploitation of children, increasing the age of statutory rape at pagbabawal sa child marriage.

Malaking hamon din anila ang pandemya dahil napipilitan ang mga batang hindi lumabas ng bahay, na kung minsan kasama pa ang mga nang-aabuso.

"Lalo pa itong pinalala ngayon dahil nagkaroon ng lockdown at napilitan ang mga bata ay makulong, unfortunately kasama ang perpetrators normally ng pang-aabusong ito," sabi ni Flores.

Pabor ang CRN na makalabas na ang mga bata ng bahay matapos ang higit isang taong lockdown, basta't masunod pa rin ang health protocol.

"Karapatan ng mga bata na makapaglaro at karapatan ito sa kanilang development. Meron silang karapatan na mapaunlad ang kanilang sarili, at mahirap itong mangyari kung sila'y patuloy na nakakulong sa kanilang tahanan," sabi ni Flores.

Nagsimula ang Padyak to EndVAC sa Boy Scout Circle sa Tomas Morato at marami ang sabay-sabay nagbibisikleta patungong Commission on Human Rights para sa programa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.