QC itinalagang ‘child-friendly safe zone’ ang ilang park, pasyalan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

QC itinalagang ‘child-friendly safe zone’ ang ilang park, pasyalan

QC itinalagang ‘child-friendly safe zone’ ang ilang park, pasyalan

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 14, 2021 07:35 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Kasunod ng pagpayag sa mga batang edad 5 anyos pataas na makapasyal sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ), nagtakda ang Quezon City ng ilang open-air na lugar sa lungsod bilang mga “child friendly safe zones” na pwedeng ipasyal ang mga bata.

Ayon sa lokal na pamahalaan, maaaring makapaglaro, exercise, at non-contact sports ang mga bata sa mga lugar na ito.

Kailangan kasama ng mga bata ang isang fully vaccinated na adult na dala ang kanilang vaccination card.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, tugon ito para sa pangangailangan ng mga kabataan ng laro at ehersisyo sa labas ng bahay na makatutulong sa kanilang paglaki kahit nasa gitna ng pandemya.

ADVERTISEMENT

Kasama sa mga tinaguriang safe zone ang Quezon Memorial Circle, Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center, ang urban farming area ng Quezon City Hall, Amoranto Stadium at 15 lokal na park sa mga barangay.

Paunang listahan pa lang ito na tinakda ng Quezon City Parks Development and Administration Department.

Pero maaari ring maaprubahang safe zone ang mga open area, tourist site, al fresco dining, swimming pool, o ibang outdoor activity area sa mga mall at establishment sa pamamagitan ng Quezon City business permits licensing department.

Mahigpit na magtatakda at magpapatupad ng capacity limit sa bawat lugar, bukod sa pagsunod sa health protocols.

Para sa mga grupong papasok, hanggang 10 tao lang ang pwede.

Ayon sa lungsod, maaari pa ring bawiin ang pagtalaga ng safe zone kung may makitang paglabag o kaya tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.