Mga batang edad 5 pataas puwede nang lumabas pero bawal sa malls | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga batang edad 5 pataas puwede nang lumabas pero bawal sa malls

Mga batang edad 5 pataas puwede nang lumabas pero bawal sa malls

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Pagkatapos ng higit isang taon, puwede na muling lumabas ang mga batang 5 taong gulang pataas sa ilang piling outdoor areas.

Base ito sa pinakahuling guidelines ng IATF para sa mga lugar na nasa GCQ at MGCQ areas, maliban na lang sa mga nasa "GCQ with heightened restrictions."

Kinumpirma ng Palasyo na sakop ng bagong protocols ang Metro Manila na nasa ilalim ng "GCQ with some restrictions" hanggang Hulyo 15.

Mga piling lugar lamang

Ayon sa pinakahuling IATF resolution, puwede ang mga bata sa mga sumusunod na lugar:

  • park
  • playground
  • beach
  • biking at hiking trail
  • outdoor tourist sites
  • outdoor non-contact courts at venues
  • al fresco dining establishments

Pero bawal pa rin ang mga bata sa mga mixed-use, indoor-outdoor buildings at facilities gaya ng mga mall.

ADVERTISEMENT

Ayon sa IATF, may kapangyarihan ang LGUs na i-adjust ang patakaran depende sa sitwasyon sa kanilang lugar.

Ang Metro Manila Council pagpupulungan pa ang mga bagong protocols.

—Ulat ni Pia Gutierrez, ABS

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.