Taal Volcano mula sa Talisay, Batangas, Hulyo 8, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News
Umaabot na sa P24.4 milyon ang pinsala sa mga palaisdaan at pananim sa ilang bahagi ng Batangas dulot ng pagbuga ng Bulkang Taal ng asupre.
Sa datos ng Department of Agriculture (DA), higit P2 milyon ang pinsala sa mga pananim ng kamoteng kahoy, calamansi at palay, habang P22.3 milyon naman sa mga palaisdaan. Naitala ang mga pinsalang sa mga bayan ng Agoncillo, Laurel, at Talisay.
Ayon kay Dennis Arpia, assistant director ng agribusiness and marketing service ng DA, may mga lugar pa silang hindi napuntahan pero umaasa silang hindi na magdudulot ng mas malalang pinsala ang asupre, maliban na lamang umano kung magkaroon ng ashfall.
"Mainit kasi yung asupre, mainit yung ano niya sa mga halaman kaya nasusunog talaga siya," ani Arpia.
Sa Barangay Banyaga sa Agoncillo, namatay na ang mga kamoteng kahoy at hindi na mapakinabangan kaya hinugot na lang ang mga ito.
Nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.
— Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Taal, Taal Volcano, agrikultura, asupre, sulfur, Batangas, Department of Agriculture