Korona, unan ng santo sa simbahan sa Pampanga, tinangay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Korona, unan ng santo sa simbahan sa Pampanga, tinangay

Korona, unan ng santo sa simbahan sa Pampanga, tinangay

ABS-CBN News

Clipboard

Larawan ng tinangay na unan at korona ng poon sa isang simbahan sa Angeles City, Pampanga. Our Lord of the Holy Sepulcher.
Larawan ng tinangay na unan at korona ng poon sa isang simbahan sa Angeles City, Pampanga. Our Lord of the Holy Sepulcher.

Tinangay ang korona at unan ng isang poon sa isang simbahan sa Angeles City, Pampanga bandang alas-4:30 ng madaling araw noong Biyernes.

Alas-5 pa dapat magbubukas ang Our Lord of the Holy Sepulcher o mas kilala bilang Apu Mamacalulu Shrine para sa unang misa pero nakiusap umano ang ginang na makapasok na, ayon sa pamunuan ng simbahan.

"Pinayagan naman, pinapasok nila, makikita din naman natin sa video na andoon din naman 'yung sakristan na nagpapasok. Kaya lang siguro dahil hindi naman binabantayan 'yan... By chance, pagnalingat siguro 'yung sakristan, doon niya ginawa 'yung crime," ani P/Maj. Alfred Andal, commander ng Angeles City Police Station 1.

Sa una, mukhang nagdarasal, at humihimas-himas lang umano sa poon ang ginang, pero ilang saglit pa, inilabas na nito ang korona at unan na nakapatong sa katawan ng poon.

ADVERTISEMENT

Ipinasok niya ito sa kaniyang palda at niyakap palabas ang unan.

"It's made of iron, maybe 30-40 years more than that... Although it doesn't have that value talaga. Kaya lang it has a historical and sentimental value kasi matagal na kay apu 'yun," dagdag ni Bobby Cortez, coordinator ng Apu Mamacalulu Shrine.

Ayon kay Andal, nagkaroon na umano ng kutob ang sakristan sa nangyari at pinahold na umano niya sa guwardiya ang ginang habang papalabas ito.

"Nung iho-hold na nung guwardiya 'yung [ginang] nung palabas ito, nag-iiyak ['yung ginang]... Nalito 'yung guwardiya, natuliro, nakaalis 'yung babae. Pagkaalis, doon na-confirm na nawalan nga sila," ani Andal.

Natunton naman na ng mga awtoridad ang suspek sa bahay nito sa katabing bayan ng Porac at nahuli bandang alas-2 ng madaling araw nitong Linggo.

Nabawi na umano ang korona at unan, pero hinahanap pa rin ng mga awtoridad ang kinuha ring estola at holy water.

Sa kabila ng nangyari, desidido ang simbahan na huwag nang maghain ng ano mang reklamo laban sa ginang na ayon sa mga awtoridad ay may matinding pagsubok na pinagdaraanan at deboto umano ng poon.

“Actually, naawa talaga ako doon sa bata, she's 28 years old. Wala talaga siya sa tamang pag-iisip, and I learned that it all started noong na-depress siya noong hiniwalayan siya ng asawa niyang Japanese... lumuhod siya sa harapan ko [at] nag-iiiyak siya... sabi ko 'wag kang mag-alala ipagdarasal kita kay apung mamacalulu, gagabayan ka niya sa problema mo' kako hindi ko siya makausap talaga, todo iyak siya,” ani Cortez.

Kasabay ng insidente, paiigtingin din umano ang seguridad sa simbahan na dinadagsa ng libo-libong deboto lalo na tuwing araw ng Biyernes. —Ulat ni Gracie Rutao

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.