26 deboto nagpapako sa krus sa Pampanga nitong Biyernes Santo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
26 deboto nagpapako sa krus sa Pampanga nitong Biyernes Santo

ABS-CBN News
Published Apr 08, 2023 06:19 PM PHT
|
Updated Apr 09, 2023 08:29 PM PHT

Matapos ang 3 taong pagkatigil dahil sa pandemya, muling nagbalik ang tradisyon ng pamamanata at pagpe-penitensya sa Pampanga.

Nitong Biyernes Santo, naglabasan ang mga residente sa lungsod ng San Fernando para makita ang daan-daang nagpadugo, sumali sa "tira-bakal", nagbuhat ng krus at nagpapako sa krus.

"Sana po wala nang pandemic para taon-taon merong ganyan," ayon sa residenteng si Maritess Dayrit.

Ito ang nakagisnang paraan ng ilang residente para ipakita ang kanilang debosyon, mapatawad ang mga kasalanan, magbigay ng pasasalamat o makiisa sa pagpapasakit kay Hesus.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng San Fernando, aabot sa 1,000 ang mga sumaling flagellants, habang nasa walo naman ang nagpapako sa krus sa tatlong crucifixion sites sa syudad.

Isa sa mga unang ipinako sa krus ay ang 66 anyos na si Wilfredo Salvador sa Brgy. San Juan.

Labinglimang taon na siyang nagpapako at balak niyang ituloy ang panata hanggat kaya niya. Alay niya ang pagpapapako ngayong taon sa pamangkin na may sakit.

"Kayang-kaya pa ho, si Lord na ang bahala kung anong mangyari, humihingi ako tulong sa kanya, noon akala ko wala na ako dahil mahirap na yung kalagayan ko, sa aking katawan, sa aking paggaling, ito ang ginagawa ko, binigyan niya ako ng lakas," ayon sa nagpapako na si Wilfredo Salvador.

Pinaka-inabangan naman ang pagganap na kristo ni Ruben Enaje ng Brgy. San Pedro Cutud.
Pinaka-inabangan naman ang pagganap na kristo ni Ruben Enaje ng Brgy. San Pedro Cutud.
ADVERTISEMENT
Higit isang oras na pinasan niya ang krus ng halos 2 kilometrong sa senakulo bago narating ang burol kung saan siya ipinako.

Tumagal ng 9 minuto si Enaje sa krus bago ibinaba.

“Nanibago po kasi ito hanggang dito yung dugo, naipit po yung buto siguro dahil sa medyo yun na nga yung katawan natin medyo lumobo," ani Enaje.

Ngayong taon, alay ni Enaje ang pagpapapako para sa tuluyang pagkawala ng COVID-19 at kapayapaan sa bansang Ukraine.

Ang ganitong makatotohanang pagsasadula at pamamanata ang dinarayo ng libu-libong libong residente, turista at mga dayuhan.

"I think its interesting, i think its your own way to show your proof of belief and thats very interesting because in Poland we are Christians too, but it looks different, it looks totally different, so i fully respect it because each country has their own way how they want to express," ayon sa residente ng poland na si Ewelina Kosciecha.

Sa tala ng lokal ng San Fernando, umabot ng halos 15,000 ang mga nanood ng pagpapapako noong Biyernes Santo.

Bukod sa lungsod ng San Fernando, Tatlo naman ang nagpapako sa bayan ng Sto Tomas. Dahil walang burol, sa likuran ng truck itinayo ang krus kung saan sal-itang nagpapako sina mang Edwin Pacheco at dalawang pamangkin nito.

Nagkaroon din ng senakulo sa Brgy. Lourdes North West sa Angeles City bago ipinako sa krus ang tatlong deboto.

Siyam na deboto naman ang ipinako sa krus sa Brgy. Cabalantian sa bayan ng Bacolor, kabilang ang isang babaeng deboto.

Tatlong deboto naman ang sal-itang ipinako sa isang bakanteng lote sa Brgy. Telapayong sa bayan ng Arayat, Pampanga.

"Its a phenomenon, sa Pampanga lang talaga talamak ganyan and it speaks of the fidelity of the Kapampangan to the Catholic Church... those who practice it ginagawa nila yun because they sincerely want really to atone for their sins, to confess for their sins or to ask for favors," ani Robby Tantingco ng Center for Kapampangan Studies.

Noon pa man hindi na sinasang-ayunan ng Simbahan ang pananakit sa sarili maging ang pagpapapako sa krus dahil may ibang paraan naman ng papapakita ng relihiyong debosyon tulad ng pagpapakatao at pagkakawanggawa.

"Importante sa atin ang ating katawan, we are the temple of the Holy Spirit sabi ng bibliya. Mangumpisal ka magsisi ka ng iyong mga kasalanan, yun ang mas importanteng paraan ng pagbabago. Kasi kung mamamanata ka bilang paghuhugas ng iyong mga kasalanan tapos babalik ka rin sa buhay na makasalanan, parang hindi gaanong talagang effective, hindi gaanong natutugunan yung gusto mong gawin," ayon sa rector ng Mother of Good Counsel Seminary na si Fr. Vic Nicdao.

Sa kabuuan nasa dalawampu't anim, ang nagpapako sa krus nitong Biyernes Santo.
Sa kabuuan nasa dalawampu't anim, ang nagpapako sa krus nitong Biyernes Santo.
ADVERTISEMENT
Ito naman ang ika-34 beses na ipinako sa krus si Mang Ruben, at ipinag-iisipan pa niya kung itutuloy ang panata sa susunod na taon.

-- Ulat ni Gracie Rutao
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT