Bahagi ng commercial building sa Quiapo, nasunog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bahagi ng commercial building sa Quiapo, nasunog

Bahagi ng commercial building sa Quiapo, nasunog

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nasunog ang bahagi ng isang gusali sa Quiapo, Maynila, Sabado ng madaling araw, sa gitna na rin ng malakas na pagbuhos ng ulan sa lugar.

Tanaw agad ng mga residente ang apoy na sumiklab sa ika-apat na palapag ng isang commercial building sa kanto ng Carlos Palanca Street at Villalobos Street.

Malapit ito sa Quinta Market at Quiapo Church, pero hindi naman nadamay ang mga kalapit na mga gusali.

May mga narinig pa na mga pagsabog ang mga residente sa lugar.

ADVERTISEMENT

Nagtulungan na rin sila, kasama ang mga bombero at fire volunteers para maapula ang sunog.

Isang steel platform ang inilagay para maka-akyat ng mga bombero at maabot ang sunog na nasa taas ng gusali.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection, umakyat sa unang alarma ang sunog at naideklarang fire under control bago mag alas-2 ng umaga.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng natupok ng apoy.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.