1,000 pamilya nawalan ng tirahan, 3 sugatan sa sunog sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1,000 pamilya nawalan ng tirahan, 3 sugatan sa sunog sa Maynila

Lady Vicencio,
ABS-CBN News
Published May 27, 2021 02:08 PM PHT

Higit 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan habang 3 ang nasugatan sa sunog na sumiklab sa Port Area sa Maynila nitong Miyerkoles.

Sa tala ng Philippine Red Cross, na may molecular laboratory na katabi mismo ng pinangyarihan ng sunog, kasama sa 3 nasugatan ang 2 bombero.

Wala namang naging pinsala sa laboratoryo pero nag-abiso ang Red Cross na magkakaroon ng delay sa paglabas ng resulta ng mga pinoprosesong COVID-19 saliva at RT-PCR test.

Bandang alas-5 ng hapon nitong Miyerkoles nang magsimula ang sunog sa residential area sa Pier 15. Mabilis kumalat ang apoy sa 500 bahay, lalo't gawa sa light materials ang mga ito.

Pasado alas-2 ng madaling araw ngayong Huwebes naideklara ang fire out.

Kahit hindi pa tapos ang pag-apula, may mga residente pang nangahas pumasok at nagkumahog na maisalba ang ano mang gamit na mapakikinabangan pa ng kani-kanilang mga pamilya.

Sinabi ng ilang residente na nagsimula ang sunog sa sumabog na linya ng kuryente ng isa sa mga bahay. Pero patuloy pang iniimbestigahan ng Manila Fire District ang pinagmulan at sanhi ng apoy.

Ayon sa tauhan ng barangay, nasa 1,300 pamilya ang nasunugan kaya hirap ang barangay na mabigyan sila ng masisilungan.

Karamihan tuloy sa mga nasunugan ay sa tabi ng kalsada na lang natulog.
Karamihan tuloy sa mga nasunugan ay sa tabi ng kalsada na lang natulog.
ADVERTISEMENT
"Natulog po kami sa Anda Circle. Kasama ko po 'yong pamangkin ko, kapatid ko, baby pa," ani Angelita Lacaba na nanawagan din para sa damit at pagkain.

Aminado ang barangay na wala silang evacuation center para sa mga apektado sa pinakamalaki umanong sunog na nangyari sa kanilang lugar.

Nananawagan ang residenteng nasunugan na si Rosemarie Maylas kina Pangulong Duterte at Manila Mayor Isko Moreno na bigyan ang mga nasunugang pamilya ng pansamantalang matutuluyan matapos ang sunog sa Port Area sa Maynila. | via @JervisManahan pic.twitter.com/XRyKzp5Ckm
— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) May 26, 2021

Nagpamigay na ang barangay ng almusal na lugaw pero nanawagan pa sila ng mas maraming tulong sa lalong madaling panahon.

"Hindi ko alam kung saan ilalagay 'yan... Humihingi ako ng tulong sa [Manila] DPS (Department of Public Services) para malagyan ng tent," ani Barangay 650 Chairman Salik Arongo.

Sa Taguig City, sumiklab din ang sunog sa residential area sa Barangay Tanyag bandang ala-1 ng madaling araw ngayong Huwebes.

Aabot sa 50 bahay ang natupok.
Aabot sa 50 bahay ang natupok.
Isang lalaki naman ang nilapatan ng paunang lunas nang makuryente sa kasagsagan ng sunog.

Higit 100 pamilyang nasunugan ang inilikas muna sa covered court ng barangay.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
sunog
Maynila
Taguig
Port Area
Philippine Red Cross
Headline Pilipinas
Teleradyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT